^

PSN Opinyon

Security risk ‘turn-off’ sa investors

- AKSYON NGAYON Ni Al G. Pdroche -
DETROIT, MICHIGAN – Maraming mga FilAms at American businessmen dito sa US ang ibig mag-invest sa Pinas. Nababalitaan nila ang pag-unlad ng ekonomiya ngunit isa ang kinatatakutan nila.

Ang panganib na pang-seguridad.

Mukhang kinukumpirma nito ang pag-aaral kamakailan ng isang management consultant firm, ang C. Virata and Associates na nagsasabing ang pecae and order problem ay dahilan upang ang pamumuhunan sa Pilipinas ay maging "magastos" sa mga investors.

Kasama na sa ekstrang gugol na ito ang mataas na insurance cost at ang banta ng mga rebeldeng komunista na naniningil ng revolutionary sa mga negosyante lalu na yung mga nasa construction business. Hindi maililingid sa mata ng daigdig ang ginagawang panununog ng mga rebeldeng NPA sa mga kasangkapan ng mga contractors na tumatangging magbigay ng revolutionary tax.

Ayon sa consultant firm, ang premium sa insurance ay karaniwang tumataas sa 2.5 percent ng kabuuang halaga ng ginagawang proyekto. Ang dahilan ay ang negatibong perception sa kalagayang pangseguridad sa bansa.

Normally, dapat ay 1 porsyento lang ng kabuuang halaga ng proyekto ang halaga ng insurance.

Harinawa na ang pagpasok ng taong 2007 ay mapagtuunan na ng pansin ng pamahalaan ang mga problemang pangseguridad. Malaki ang impact nito sa kalagayan ng ekonomiya.

Alam naman natin na ang masiglang ekonomiya ang buhay ng bansa. With a good economy, kontento ang tao, maligaya at wala ang dahilan upang sila’y gumawa ng katiwalian.

Kung walang pagdarahop, wala ring dahilan ang komunismo upang manatili at ito’y kusang mamamatay.

Email me at [email protected].

ALAM

AYON

HARINAWA

KASAMA

MALAKI

MARAMING

MUKHANG

NABABALITAAN

VIRATA AND ASSOCIATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with