Sa kanyang sinumpaang pahayag sa Committee, iprinisinta ni Commissioner Garcillano ang passport na walang departure stamp. Nakitang hindi ito naaayon sa tamang sukat at hindi tama ang ginamit ditong papel. Mismong Bangko Sentral ang humatol. At nagpakita naman ang Department of Foreign Affairs mismo ng sinumpaang report galing sa Singapore Foreign Ministry na nagpapatunay na naglanding nga roon ang isang Virgilio Garcillano. Dahil ditoy sinampahan siya ng kaso sa piskal. At heto na nga ang resolusyon ng DOJ: kulang daw ng pruweba. May mas bulag pa ba sa pilit pinipikit ang mata?
Umaasa si Commissioner Garcillano na tapos na ang iskandalo. Sa totoo lang, katigan man ng DOJ ang reklamo, wala na siyang dapat alalahanin. Dahil hindi na siya iskandalo. Ang isang iskandalo ay isang kaganapang nabubulgar na naghahatid ng kahihiyan sa mga sangkot dito. Sa dami ng nagaganap na kalokohan sa pamahalaan, hindi na nakakahiya ang ginawa ni Commissioner Garcillano. Sa dalas na nasasalaula ang katotohanan at sa kawalan ng kahihiyan ng marami sa nakapuwesto, naging small time na lang ang kanyang kasalanan (kung meron man, ayon sa DOJ).
Ayon kay Sen. Lacson, tali ang kamay ng DOJ dahil kung binayaan nilang isampa sa Korte ang kaso, pihadong magsasalita si Commissioner Garcillano laban sa Malacañang. Kung tutoo man ito ay sana hindi na lang nagpadala ang DOJ (State Prosecutor George Yarte, Chief State Prosecutor Jovencito Zuño at Asst. Chief Prosecutor Richard Fadullon). Dahil magsalita man si Commissioner Garcillano laban sa Malacañang, wala ring epekto. Ang napapahiya lang ay ang mga may kahihiyan.
DOJ Panel Yarte, Fadullon at Zuño
Grade: 65