Mas marami ang naghihikahos sa Paskong ito
December 26, 2006 | 12:00am
Alam ba ninyo kung papaanong naidadaos ang Pasko ng mga kababayan nating tunay namang hirap na hirap ang kabuhayan na kahit na nga sa ordinaryong pang-araw-araw ay hindi malaman kung saan kukuha ng makakain?. Alam ba ninyo kung ano ang nararamdaman at nararanasan ng mga ito tuwing dumadating ang Pasko. Wala man silang bagong damit, walang pagkain, walang Noche Buena, ni wala man lamang bumabati sa kanila ng Merry Christmas?
Masuwerte ako at hindi ko inabot ang naging kalagayan ng mga kababayan nating ito. Subalit, matagal na akong nakikipagtulungan sa ilan nating mga kapatid na kristiyano upang kahit na papaano ay mabigyan ng tuwa at aliw ang ilan sa mga naghihirap na kababayan natin tuwing Pasko. Ang malungkot nga lamang ay hindi namin talagang makayanan na maging marami ang matulungan nang dahil sa parami ng parami ang mga nangangailangan ng paglingap tuwing Pasko.
Talagang hanga ako sa nasabing grupo na sinasalihan at tinutulungan ko sapagkat ang mga namumuno at mga miyembro nito ay mga executives at mga professionals kasama na ang ilang economists at businessmen. Ginagawa lamang nila ito bilang charitable contribution sa kanilang kapwa. Sariling pera at pagod ang kanilang capital sa pagtulong sa mga mahihirap tuwing dumadating ang mga araw na katulad ng Pasko.
Sapagkat sanay sa takbo ng kalakalan at pamumuhay ang ilan sa mga miyembro ng aming grupo, alam nila na dumarami ang mga naghihirap sa Pilipinas nang dahil sa kapabayaan at kawalang-hiyaan ng karamihan sa mga pinuno ng ating bayan. Talamak ang graft and corruption. Problema pa rin ang peace and order at patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Papaano ngayong hindi madadagdagan o mabawasan man lamang ang mga naghihirap at hindi makaugapay upang mabuhay?
Tunay naman kaming nangangamba sa magiging takbo ng ating bayan. Sana naman ay mabago na ang pag-uugali at karakter ng mga pinuno ng Pilipinas at ang kabutihan ng bayan ang maunang atupagin at hindi ang pansariling interes. Ipagdasal natin na sana naman ay umasenso na ng lubos ang ating bayan nang sa ganuon ay makaahon na sa pagkakalugmok ito kasabay ng pagganda ng kabuhayan ng mga matagal nang naghihikahos sa buhay ng mamamayang Pilipino. Amen.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am