^

PSN Opinyon

Karneng aso, paboritong pagkain pa rin!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
KAMAKAILAN nadiskubre ng BITAG ang isa sa mga rutang iniikutan ng mga kumakalakal nang ipinagbabawal na karne ng aso sa Quezon City.

Patago ang bentahan at bilihan sa kanilang mga parukyano. Natunton ng mga BITAG undercover ang kanilang ilegal na katayan sa barangay Bago-Bantay.

Ang kanilang matadero, ni-recruit pa mula sa Ilocos Norte. Napag-alaman din ng BITAG na ang may hawak na dog dealer sa naturang lugar ay isang Henry Reyes.

Isa lamang si Henry sa malalaking dog dealer na nagmula sa Baguio, Pangasinan at iba pang lugar.

Aktibo na naman ngayon ang mga dog traders sa kanilang pangangalakal dahil malamig ang klima. Maraming tao ang nag-iinit sa pagkain ng aso.

Sa kabila na may mga batas o ordinansang naipasa na ng mga munisipyo, lalawigan at lungsod hindi sila natatakot.

Maganda ang layunin ng batas tulad lamang sa Quezon City. Nililinis ang barangay at naiiwas ang mga tao sa kagat ng asong askal na may rabies.

Subalit nagagawang butasan ng mga dog traders tulad ni Henry ang batas dahil nagiging kasabwat at nasusuhulan niya ang mga kawani ng barangay partikular sa mga dog pound nito.

Tukoy na ng BITAG ang rutang pinapasukan ng mga dog traders na aktibong-aktibo sa ngayon. Alam na din namin kung paano kayo mahuhulog sa patibong ng BITAG.

Kaya mas magandang itigil n’yo na ang inyong pangangalakal ng karne ng aso bago pa man kayo pulutin sa kalaboso.

Babala rin ng BITAG sa mga taong hilig na ang pagkain ng aso, yung tipong umiinit ang katawan kapag hindi nakakain ng aso. Kung walang tumatangkilik sa ganitong ilegal na gawain walang patuloy na gagawa ng pagbebenta ng aso. Si Bantay ay tinaguriang man’s best friend di para kainin at pulutanin.

AKTIBO

ALAM

ASO

BABALA

BAGO-BANTAY

HENRY REYES

ILOCOS NORTE

QUEZON CITY

SI BANTAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with