Pamana
December 15, 2006 | 12:00am
BUKAS ang ikalawang anibersaryo ng pagpanaw ng 16 taong gulang na si KC De Venecia sa apoy na tumupok sa kanilang tahanan noong 2004. Nakilala si KC sa kanyang kabaitan, pagkamatulungin at pagiging mapagmalasakit. Sa kanyang pagpanaw, patuloy pa ring naibabahagi ang kabuluhan ng kanyang maikling buhay sa mga nangangailangan lalo na sa mga nakakaranas ng matinding sakit at nagdadalamhati na biktima ng trahedya.
(1) Sa PGH, mas pinaganda na ngayon ang BURN CENTER. Pisikal at emosyonal na pagpapagaling ay mas napadali. Lalo na sa mga batang pasyente. (2) Sa malalaking siyudad, inumpisahan na ang distribusyon ng mga asbestos suit (P250,000 kada isa) sa mga bumbero. Maari na ngayong saklolohan kahit pa yung biktimang napalibutan ng apoy. (3) Sa mga kolehiyo at pamantasan, mahigit 40 nang istudyante ang nabibiyayaan ng scholarship fund at magkakaroon na pagkakataon ng makapagtapos. (4) At mga magulang na naulila sa anak ay mayroon na ring kanlungan na matatakbuhan sa INA Foundation Healing Center. Damay at pag-unawa ang maaasahan sa kapwa nilang naulila.
Ang lahat ng itoy pamana. Nagmula sa puso ng pamilya ni Speaker Joe at Manay Gina de Venecia. Hindi matatawaran ang kalaliman ng pighati ng mga naulila ni KC. Subalit kahit papaanoy humihilom ang sugat. Dahil hindi rin matatawaran ang karurokan ng pasasalamat ng mga nakaraos sa trahedya sa tulong ng mga proyektong ito.
Sa tuwing may isang batang nakayanang makangiti matapos ang matinding kirot ng pagpapagaling ng sunog niyang balat sa Burn Center; sa tuwing may maililikas na nakulong sa tahanan dahil sa napakalakas na apoy; sa gaan ng damdamin matapos makamit ng iskolar ang pinakaaasam na college diploma; at sa bawat patak ng luha na napawi sa kapit kamay na pagbuno sa takipsilim at pagharap sa bukang liwayway ng mga inang naulila ay naaninag ang diwa ni KC.
Sa kanyang pangalawang kaarawan sa langit, sanay masabayan ninyo ang REPORT CARD sa pag-alay ng panalangin para sa walang hanggang kaligayahan at kapayapaan sa piling ng Diyos ni KC De Venecia.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended