^

PSN Opinyon

Garapalan sa House

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
KAHIT anong mangyari, dehins pala talaga matutuloy ang plebisito na ipinipilit ni House Speaker Joe de Venecia at mga galamay niya kasi alaws pondo ang COMELEC. Sabi nga, sayang ang tenga, este mali, laway pala.

Ipagpaliban man ang petsa ng election sa Mayo at gawin ito sa November tulad ng gusto ng Arroyo group ay dehins ito matutupad kasi haharangin ng bright people sa opposition toits. Ika nga, alaws galawan ng pitsa sa illegal plebiscite.

Masyadong stress ang Pinoy sa mga isyu regarding sa Charter change up to now kasi ipinipilit ito ng grupo ni De Venecia kaya naman ang mga bright people sa opposition ay dehins na natutulog. Sabi nga, nalusutan sila.

Last December 6, 2006, nagawang baguhin ng grupo nina Joe ang House Rules sa Kongreso dahil nagkaroon ng constituent assembly ang Lower House na violation sa Constitution. Sabi nga, na-magic! Sa ginawang salamangka ng Mababang Kapulungan ay magiging Interim Unicameral Parliamentary ang government of the Philippines. Alaws nang election, alaws na ang House of Senate, limited ang kili-kili, este power pala ng Prez, at alaws na ring magiging papel ang Supreme Court. Alaws na ring check and balance! Ika nga, sila-sila na lang. Sabi nga, ang decision ng isa ay decision na rin nila.

Si Joe na lang ang kukumpas. Ika nga, follow the leader. He-he-he! Ito kasi ang gustung-gusto ni Joe, ang maging Prime beef, este mali, Minister pala siya. Siya nga ba? Ika nga, Constitutional rape ang gustong itulak.

Kaya naman ayaw nilang isali ang mga Senador dahil ito ang kontrabida sa kanila. Kawawa ang madlang people, inalis ang karapatang makaboto sa 2007 kung dehins ito haharangin.

Kaya naman nagpapasalamat ang mga kuwago ng ORA MISMO dahil nagising sa bangungot ang madlang people, nagpahiwatig na lalabas sa lansangan ang Pinoy para kontrahin ang gusto ng grupo ni Joe.

Ang taong simbahan, INK, JIL, El Shaddai, etcetera ay nagkaisa para magsama-sama upang labanan ang anumang maitim na balak ng grupo ni Joe.

"Masama ba ang takbo ng gobyerno kaya gusto nilang lagaputin ang Constitution?" tanong ng kuwagong api.

"Hindi noh! Gumaganda nga ang economy," sagot ng kuwagong haliparot.

"Eh bakit gusto nilang baguhin?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Para dehins sila mapalitan sa kanilang mga inuupuang trono," sagot ng kuwagong Kotong cop.

"Ganoon ba kamote!"

ALAWS

DE VENECIA

EL SHADDAI

HOUSE OF SENATE

HOUSE RULES

HOUSE SPEAKER JOE

IKA

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with