Sa langit na magsusulat
December 10, 2006 | 12:00am
(Handog kay Kuya Maximo V. Soliven)
Mayrong isang writer na ubod ng galing
kahit anong paksa ay kayang sulatin;
Siya ay mabait - hindi siya sakim
sapagkat busilak ang kanyang damdamin!
Ang writer na ito ay hinahangaan
ng buong daigdg sa kanyang larangan;
Ang kislap ng diwa ay tunay na brilliant
at ang kanyang puso ay pandaigdigan!
Tanging siya lamang sa panahong ito
ang nakasusulat ng paksang ginusto;
Tilamsik ng diwa ay sa isang henyo
kaya publisista na walang tatalo!
Kanyang pahayagay The Philippine STAR
kung kaya lumago ay sa kanya utang;
Bata at matanday kinagigiliwan -
ang kanyang panulat ay iginagalang!
May mga okasyong siyay nangungusap
mga nakikinig humahangang ganap;
Ang bawat katagang sa labi ay nulas
ay kapupulutan ng dunong na likas!
Sa mga paksaing ang bayan ay sangkot
ang kanyang panulat ay nakalulugod;
Sa kalabat hindi siyay naglilingkod
pagkat ang layunin ang bansay lumusog!
Kaya nga wala nang hihigit sa kanya
sapagkat panulat tangit naiiba;
Siyay Pilipinong may diwang maganda
kaya kung magsulat - ginto ang resulta!
Ngunit isang araw siya ay tinawag
ng Poong Bathalang kadluan ng lahat;
Ang sabI ng Diyos: "Halika na Pantas
ngayoy sa langit Ko ikaw magsusulat"!
Mayrong isang writer na ubod ng galing
kahit anong paksa ay kayang sulatin;
Siya ay mabait - hindi siya sakim
sapagkat busilak ang kanyang damdamin!
Ang writer na ito ay hinahangaan
ng buong daigdg sa kanyang larangan;
Ang kislap ng diwa ay tunay na brilliant
at ang kanyang puso ay pandaigdigan!
Tanging siya lamang sa panahong ito
ang nakasusulat ng paksang ginusto;
Tilamsik ng diwa ay sa isang henyo
kaya publisista na walang tatalo!
Kanyang pahayagay The Philippine STAR
kung kaya lumago ay sa kanya utang;
Bata at matanday kinagigiliwan -
ang kanyang panulat ay iginagalang!
May mga okasyong siyay nangungusap
mga nakikinig humahangang ganap;
Ang bawat katagang sa labi ay nulas
ay kapupulutan ng dunong na likas!
Sa mga paksaing ang bayan ay sangkot
ang kanyang panulat ay nakalulugod;
Sa kalabat hindi siyay naglilingkod
pagkat ang layunin ang bansay lumusog!
Kaya nga wala nang hihigit sa kanya
sapagkat panulat tangit naiiba;
Siyay Pilipinong may diwang maganda
kaya kung magsulat - ginto ang resulta!
Ngunit isang araw siya ay tinawag
ng Poong Bathalang kadluan ng lahat;
Ang sabI ng Diyos: "Halika na Pantas
ngayoy sa langit Ko ikaw magsusulat"!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended