^

PSN Opinyon

Bubuweltahan ni Miriam si GMA?

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MABUTI at hindi natuloy ang pagwawala ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na maging Chief Justice (CJ) ng Supreme Court. Mabuti at hindi pinatulan ni GMA ang demanda ni Miriam na huwag na munang mag-appoint ng kapalit ni Chief Justice Artemio Panganiban na nag-retiro noong Dec. 7. Hindi isinama ang pangalan ni Miriam sa listahan ng mga kandidato sa pagka-CJ.

Ang tapang ng apog ng mataray na senador. Ano kaya ang mangyayari sa Pilipinas kung katulad ng senadora ang mamumuno sa Supreme Court? Mabuti na lang at hindi sinunod ng Malacañang ang kahilingan ng senadora at sa halip ay in-appoint ni GMA si Senior Associate Justice Reynato Puno bilang CJ.

Na-impress ako sa qualifications at experience ni Puno. At least, puwede siyang pagkatiwalaan sapagkat subok na ang kanyang mga ginagawa at takbo ng pag-iisip. Dapat lang na siya ang piliin sapagkat pinaka-most senior justice ng Supreme Court. Talagang natural na naka-linya siyang maging CJ kung tradition din lamang ang pag-uusapan.

Iniisip ko kung ano ang reaksiyon ni Miriam sa ginawa ni GMA na pag-appoint kay Puno. Baka galit at nag-iisip na buweltahan ang Malacanang? Umaasa kasi si Miriam na na siya ang kauna-unahang babae na magiging CJ.

Sa palagay ko, may maririnig nang buweltang batikos kay Miriam laban kay GMA. Ito ang aking aabangan. Abangan din ninyo.

vuukle comment

ABANGAN

ANO

CHIEF JUSTICE

CHIEF JUSTICE ARTEMIO PANGANIBAN

DAPAT

INIISIP

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PUNO

SENIOR ASSOCIATE JUSTICE REYNATO PUNO

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with