^

PSN Opinyon

Nakapagpasya na ang mamamayan

DOKTORA NG MASA - DOKTORA NG MASA Ni Sen. Loi Ejercito Estrada -
ISA sa pinakamahalagang pangyayari sa linggong nagdaan ang kuwestiyunableng hakbang ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipasa ang resolusyon hinggil sa pagbuo ng constituent assembly (con-ass) upang baguhin ang Saligang Batas na hindi kailangan ang partisipasyon ng Senado.

Sa nakaraan kong kolum, nabanggit ko na ang isyung ito at napilitan akong balikan ang isyu ng Charter change (Cha-cha) dahil nagulat ako at hindi makapaniwala na mayorya pala ng kasapian ng Kongreso, sa pangunguna ni Speaker Jose de Venecia at mga kilalalang kapanalig ni GMA, ay nakahandang balewalain ang tinatawag nating fundamental law of the land maisulong lang ang kanilang pansariling interes na patuloy na makapanatili sa poder ng kapangyarihan hangga’t gusto nila at kahit na walang basbas ng mamamayan sa pamamagitan ng isang malaya at demokratikong halalan.

Nakakalungkot pang isipin na ang mayorya sa mga bumoto sa resolusyon ng Kongreso ay mga abugado at mga self-styled law experts and constitutionalists.

Ayon sa mga nagsusulong ng Cha-cha, ito naman daw ay isang bagay na idadaan nila sa kapasyahan ng mamamayan sa pamamagitan ng isang plebisito kaya sana ay pabayaan na lang muna sila.

Subalit nakapagpasya na ang mamamayan, hindi ba? At ito ay makikita sa mga resulta ng mga naglabasang survey kung saan ang mayorya ay nagsasabing hindi sila pabor sa Cha-cha.

Hindi ba malinaw din na pahiwatig ng damdamin ng taumbayan sa naturang isyu ang malawakang pagbubunyi na ating nasaksihan matapos ideklara ng Korte Suprema noong Oktubre 25, na ilegal at maling pamamamaraan ang people’s initiative (ang Plan A ng mga pro Cha-cha), upang baguhin ang Saligang Batas.

Kaya nga nais kong ulitin: Pagpapakita ng pagiging manhid sa tunay na damdamin ng taumbayan ang pagpipilit ng mayorya sa Kongreso na ituloy pa rin ang Cha-cha; mas maraming bagay ang dapat unahin, pangunahin na ang pagtulong sa mga sinalanta ng kalamidad. Itigil na ang Cha-cha. Sundin ang kapasyahan ng mamamayan.
* * *
Ang Doktora Ng Masa ay handang magbigay ng serbisyo publiko. Maari kayong mag-e-mail sa: [email protected] o lumiham sa aking tanggapan sa Room 209, GSIS Building, Senate of the Philippines, CCP Compound, Pasay City.

ANG DOKTORA NG MASA

CHA

KONGRESO

KORTE SUPREMA

MABABANG KAPULUNGAN

PASAY CITY

PLAN A

SALIGANG BATAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with