Customs chief usisain sa nawalang pork
December 5, 2006 | 12:00am
KAHINA-HINALA ang mga kilos ni Customs chief Napoleon Morales at aides sa ninakaw na smuggled pork sa apat na 40-footer container vans.
Nasabat ang bawal na karne mula Tsina nung Agosto. Inimbentaryo ang kontrabando 100,000 kilo, halagang P6 milyon sinelyohan ang pinto ng vans at ipinatago sa Sigma Seven Warehouse sa Manila harbor. Kinumpiskang pormal ang smuggled meat at dinetalye ang pagbaon nito sa Pampanga. Nang ililibing na nung Nob. 7, ninais ng quarantine officers mag-final inspection bilang standard procedure. Hindi sila pinahintulutan ng Sigma. Bumaba ang utos na ipagpaliban ang pagbaon sa Nob. 8, tapos Nob. 9. Kasama ang mga Customs guard, nagpursigi ang quarantine men mag-inspection. Lalo nat may nakapagsabing may nagpalit ng mga de-numerong selyo sa vans. Pinatigasan pa rin ng Sigma na hindi puwede. Ni hindi naibaon ang karne dahil wala palang handang dump sa Pampanga. Binuksan ng mga naghihinalang quarantine men at guards ang vans. At natuklasang kokonti na lang ang laman na kompiskadong karne. Ibinalik nila ang vans sa Maynila.
Ano ang ginawa ni Morales? Imbes na purihin ang Customs guards sa pagdiskubre ng nakawan, pina-interrogate sila nung Nob. 14 sa isang komite dahil sa umanoy sapilitang pagbalik ng vans sa Maynila. Kasama sa komite si Atty. Alexander Arcilla, hepe ng anti-smuggling task force ni Morales na nalusutan na nga nung Agosto ng 100 tonelada ng bawal na pork. Nag-tip lang ang mga lokal na magbababoy kaya nalaman ang smuggling na nakakalugi sa industriya nila ng P2 bilyon kada taon.
Tapos, ipinasunog ni Morales ang natitirang karne nung Nob. 17. Itoy miski itinuring na yon na ebidensiya sa nakawan nang pumasok sa imbestigasyon ang NBI. Ni walang awtoridad si Morales na magpasunog.
Hanggang ngayon, hindi pinag-e-eksplika ni Morales ang Sigma kung bakit nawalan ng cargo sa kustodiya. Yun pala, may espesyal na relasyon ang Sigma sa kanya, sa pamamagitan ng chief of staff na Atty. James Enriquez. Kaya si Morales pala ang dapat magpaliwanag sa publiko.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest