^

PSN Opinyon

Payo kay Pacman: ‘Pulitika ay iwasan!’

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Panalo na naman —- tagumpay na naman

itong boxer nating si Manny ‘‘Pacman" Pacquiao

Sa bilis ng kamay at sa kanyang tapang

itong buong bansa ay muling nagdiwang!

Paano ngang hindi tayo magsasaya

di tayo binigo nitong ating bida;

Kampeon sa suntukan mahusay talaga

Sa lahat ng boxer wala nang uuna!

Kaiba talaga ang talent ni Pacquiao

pagka’t sa suntukan siya ay eksperto;

Tamang-tama namang sa panahong ito

kailangan natin ang isang idolo!

Tumpak lang si Manny ay maging huwaran

nitong ating bansa’t buong sambayanan;

Kung lumalaban na’y di siya mayabang

at nagdarasal pa sa tuwing lalaban!

Tuwing nasa rueda at siya’y susuntok

nasa isip niya ang baya’y lumusog;

Ang pagkakaisa’y lagi niyang luhog

sa TV at radyo’y panawagang lubos!

Kaya nga si Manny ay walang katulad

sa lahat ng taong sa bansa’y namulat;

Kalaban at hindi – palagi n’yang hangad

tayo’y magtulunga’t ang bansa’y umunlad!

Ngayon ang bayani at saka idolo

ay itong si "Pacman" marangal na tao;

Kaya ang dalangin ng pitak na ito

huwag sanang lumaki ‘yang iyong ulo!

Huwag na huwag mong ngayon ay isipin

na ang pulitika ay iyong pasukin;

Lahat mong salapi’t ngalang mataginting

mawawalang lahat sa politics natin!

Huwag ka ring padala sa alok at sulsol

na sa pulitika ikaw ay pumatol;

Sapat nang sa bayan ikaw ay tumulong

magtayo ka na lang ng Sports Foundation!

vuukle comment

HUWAG

KAIBA

KALABAN

KAMPEON

KAYA

LAHAT

NGAYON

PACMAN

PACQUIAO

SPORTS FOUNDATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with