Kapag mataas ang cholesterol level dapat magpatingin sa cardiologist. Ang pagkakaroon ng mataas na kolesterol ay risk factor sa sakit sa puso. Dapat sumailalim sa ECG para makita kung may lamat ang puso.
Mabisang paraan para malaman kung grabe ang chest pain ay ang pag-exercise sa threadmill. Malalaman din dito kung may bara ang mga ugat sa puso kaya nahihirapang huminga.
Ipinapayo na dapat na magkaroon ng healthy lifestyle at iwasan ang paninigarilyo, pag-inom ng alak, pagdodroga at ang multiple sexual relationship. Ipinapayo rin ang pagkain ng wasto magpa-check up ng regular sa doctor.