Nagbago ang Pasko?
November 26, 2006 | 12:00am
Sasapit na naman Pasko’t Bagong Taon
pero bakit kaya iba ang panahon?
Pagdiriwang ngayo’y hindi tulad noong
ang buong paligid masaya’t maugong!
Bakit nga, bakit nga parang nagbago na
ang diwa ng Pasko’y tila nawawala?
Ngayo’y walang parol sa mga bintana
awiting pamasko’y naglaho rin yata!
Nobyembre na ngayon pero ang daigdig
ay parang tameme sa Paskong marikit;
Ang sigla ng tao ay parang dinagit
ng mga sakunang sa ati’y sumapit!
Ang bagyong Milenyo’y nag-iwan ng sugat
na lubhang malalim sa puso at balat;
Lindol at tsunami ay nakagugulat
may sunog at bulkang biglang sumambulat !
Ah siguro’y ito ang mga dahilan
kung bakit ang Pasko’y waring di daraan;
At ang Bagong Taon na nakasanayan
parang kahi’t pa’no’y daraan na lamang!
Dati kung ganitong panaho’y malamig
sa putok ng kanyon nagiging mainit;
Batang naglalaro sa bayan at bukid
sa takot sa bomba’y agad lumiligpit!
Binata’t dalaga na nagmamahalan
sa mga kalsada’y hindi na mamasdan;
Natatakot silang sa kalye’y tamaan
ng sabog ng bombang tanim ng kalaban!
Pasko’t Bagong Taon ay ating sikapin
ipagdiwang itong bukal sa damdamin;
Ang datihang saya’y huwag nang hanapin
masiyahan na lang sa buhay na angkin!
Kaya masasabing talagang nagbago
ang ating panahon at saka ang Pasko;
Marahil babalik ang Paskong magarbo
kapag nagbago na ugali ng tao!
pero bakit kaya iba ang panahon?
Pagdiriwang ngayo’y hindi tulad noong
ang buong paligid masaya’t maugong!
Bakit nga, bakit nga parang nagbago na
ang diwa ng Pasko’y tila nawawala?
Ngayo’y walang parol sa mga bintana
awiting pamasko’y naglaho rin yata!
Nobyembre na ngayon pero ang daigdig
ay parang tameme sa Paskong marikit;
Ang sigla ng tao ay parang dinagit
ng mga sakunang sa ati’y sumapit!
Ang bagyong Milenyo’y nag-iwan ng sugat
na lubhang malalim sa puso at balat;
Lindol at tsunami ay nakagugulat
may sunog at bulkang biglang sumambulat !
Ah siguro’y ito ang mga dahilan
kung bakit ang Pasko’y waring di daraan;
At ang Bagong Taon na nakasanayan
parang kahi’t pa’no’y daraan na lamang!
Dati kung ganitong panaho’y malamig
sa putok ng kanyon nagiging mainit;
Batang naglalaro sa bayan at bukid
sa takot sa bomba’y agad lumiligpit!
Binata’t dalaga na nagmamahalan
sa mga kalsada’y hindi na mamasdan;
Natatakot silang sa kalye’y tamaan
ng sabog ng bombang tanim ng kalaban!
Pasko’t Bagong Taon ay ating sikapin
ipagdiwang itong bukal sa damdamin;
Ang datihang saya’y huwag nang hanapin
masiyahan na lang sa buhay na angkin!
Kaya masasabing talagang nagbago
ang ating panahon at saka ang Pasko;
Marahil babalik ang Paskong magarbo
kapag nagbago na ugali ng tao!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended