^

PSN Opinyon

Pagbubulaan ni Sotto para kay Gringo

SAPOL - Jarius Bondoc -
ISA sa unang dumulog sa nahuling Gringo Honasan si Tito Sotto. Matalik silang magkaibigan at magkapartido sa Lakas, kaya miski madaling-araw agad tinungo ni Sotto ang Camp Crame kung saan idinala ang matagal nang hina-hunting na sakdal sa kudeta at rebelyon.

Hindi nakuntento si Sotto sa pagdulog kay Gringo. Binaluktot pa ang istorya sa pagkakahuli. Sa personal na account ni PNP Maj. Nelson Yabut, nakita niyang nakadapa sa lupa si Gringo nang mabalian at masugatan ang parehong paa sa tangkang paglundag sa pader ng hideout. Inanunsiyo naman ni Sotto sa AM radio na na-fracture at natibo si Gringo nang tumalon mula sa kotseng tinutugis ng awtoridad.

Hindi natin matiyak kung ano ang pakay ni Sotto sa pagbibigay ng sariling bersiyon. Pinalalabas ba niyang mala-pelikula si Gringo kung lumusot sa dragnet, o sinisikap ilayo si Gringo sa eskandalo dahil nahuli sa bahay ng kerida? Pinagsisigawan umano ni Mrs. Jane Honasan si Gringo sa Camp Crame nang malaman na sa piling siya ni Ingrid Ramos nahuli.

Ang malinaw dito ay bulaan si Sotto. Pero tila bale-wala sa kanyang mabisto sa pagsisinungaling. Ang importante sa kanya, popular pa rin siya miski tatlong taon nagpahinga mula sa politika, at nasa Top Six ng mga malamang manalo sa halalang Senado sa 2007. Huwag sana siya pamarisan ng katotong Tessie Aquino Oreta, isa ring nagpahinga pero nagbabalak magbalik-Senado, lalo na’t napabalitang Born-Again Christian siya na pinagsisisihan ang mga kasalanang politiko.

Kaya ko inuukilkil ang pagkatao ni Sotto ay dahil nag-anunsiyo na ito ng pagkandidato sa 2007. Ihaharap niya ang sarili para husgahan kung nararapat ba paupuin sa Senado, pasuwelduhin ng P45,000 kada buwan, laanan ng no-audit na P300,000-P500,000 kada buwan na chairmanship budget sa mga komite, at balatuan ng P200 milyong pork barrel kada taon.
* * *
Abangan: Sapol ni Jarius Bondoc, Sabado 8 a.m., sa DWIZ (882-AM).

Lumiham sa [email protected]

BORN-AGAIN CHRISTIAN

CAMP CRAME

GRINGO

GRINGO HONASAN

INGRID RAMOS

JARIUS BONDOC

MRS. JANE HONASAN

SENADO

SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with