^

PSN Opinyon

Kapuri-puring adhikain

DOKTORA NG MASA - DOKTORA NG MASA Ni Sen. Loi Ejercito Estrada -
NAKARATING sa aking kaalaman ang ginagawang pagsisikap ng isang samahan ng kababaihan, ang Democratic Socialist Women of the Philippines (DSWP), na mapalaganap ang kaalaman ng publiko particular sa sektor ng kababaihan at kabataan sa RA 9262 o ang Violence Against Women and Children Act of 2004.

Bagama’t hindi ko pa nakakaharap ang mga opisyal ng naturang samahan sa pangunguna ni Ms. Beth Angsioco, kaisa nila ako sa kanilang magandang layunin.

Bilang prinsipal na awtor sa Senado ng naturang batas, ikinatutuwa ko naman ang ginagawang pagpapahalaga ng mga progresibong samahan ng kababaihan sa naturang batas at ang kanilang pagsisikap na maipaabot sa pinakamalaking bilang ng ating mamamayan ang nilalaman nito.

Kaya sa pamamagitan ng aking kolum, hinihikayat ko ang mamamayan, partikular na ang mga kababaihan, na bigyang pansin ang batas na aking inakda upang mabawasan, maiwasan at maparusahan ang mga gumagawa ng pang-aabuso sa loob ng tahanan (domestic violence) na ang karamihang biktima ay mga babae at kanilang mga anak.

Sa modernong panahon natin ngayon, hindi naman napakahirap na kumuha pa ng sipi ng RA 9262. Makukuha ito sa maski sa internet. I shall also instruct my staff to make sure that a copy of the law is always made available to the public.

Kaisa ako ng grupo sa paniniwala na karunungan ang susi upang makakuha ng kailangang gabay at lakas ng loob ang mga kababaihan at kabataan upang ipagtanggol at igiit ang kanilang mga karapatan.
* * *
Maaari kayong sumulat sa aking tanggapan sa Room 209, GSIS Building, Senate of the Philippines, CCP Compound, Pasay City.

BAGAMA

BILANG

DEMOCRATIC SOCIALIST WOMEN OF THE PHILIPPINES

KAISA

KAYA

MS. BETH ANGSIOCO

PASAY CITY

SENATE OF THE PHILIPPINES

VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with