Kawawang General Gualberto
November 16, 2006 | 12:00am
NAYARI si dating PNP CIDG Director Nestorio Gualberto sa lifestyle check sa tanggapan ng ambusan este mali Ombudsman pala dahil sa nondeclaration of asset and liabilities. Ika nga, nagsinungaling.
May mga ari-arian daw si Gualberto, ngayon ay Customs Police Chief, sa Bgy. Nonong Castro, Lemery, Batangas.
May 1997 model na Mitsubishi Pajero si Gualberto na kanyang ginagamit pero nakapangalan daw ito sa isang Edgardo Gualberto na binili ng cash.
Nabuko rin ng tanggapan ng Ombudsman na kahit alaws hotraba ay nagmamay-ari umano ang kanyang mga anak ng real states sa nasabing lugar.
Gusto mangyari ng Ombudsman na isailalim ang magiting na retired general sa six months preventive suspension without pay hanggat iniimbestigahan pa ang kanyang case.
Sangkaterbang kaso ang isinampa ni Atty. Maria Olivia Elena Roxas, Officer 2 sa Field Investigation Office ng Ombudsman. Ito ay grave misconduct, dishonesty and conduct prejudicial to the best interest of the service et cetera.
Nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit si General Gualberto lang ang tinuluyang kasuhan ng Ombudsman. Asan ang isang Ely na Customs police?
Kasama ito noong unang imbestigasyon pero bakit mukhang nabura siya sa listahan. Ano ang dahilan?
Answer, may bugok na pulitiko raw ang nakialam. Bakit ?
Iyan ang dapat kalkalin ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil ito raw si Ely ay sanggang dikit ng isang bugok na pulitiko. Sabi nga, exbodyguard.
"Bakit dehins nakasama si Ely sa investigation?" tanong ng kuwagong abogado.
"Mas rich si Ely kaysa kay Gualberto kung talagang hihimayin nang husto ang ari-arian nito ng Office of the ambusan esta mali Ombudsman pala," sabi ng kuwagong maninisid ng tahong.
"Mukhang may palakasan sa Ombudsman?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Baka naman alaws evidence si Ely kaya na clear sa OMB?" tanong ng kuwagong Kotong cop.
"Iyan ang dehins ko alam, kamote pero bubusisiin natin ito ng todo." Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended