^

PSN Opinyon

Nawawala ang record sa SSS at Pag-IBIG

DOKTORA NG MASA - DOKTORA NG MASA Ni Sen. Loi Ejercito Estrada -
NARITO ang sulat ni Gng. Adelaida Osorio na may problema sa kanyang SSS at Pag-IBIG. Pinaikli ko ang sulat upang magkasya sa kolum.

Dear Doktora Loi,


Ako po ay sumulat upang humingi ng tulong. Nagtataka lamang po ako dahil hindi ko makita kung saang tanggapan ng SSS at Pag-IBIG ko hahanapin ang record ng contribution ko.  Meron po akong ID na ibinigay sa akin ng pinapasukan kong tanggapan, ang Wise & Co., Inc. sa Fairlane cor. Brixton Sts. Pasig, pero nagresign na po ako doon nung 1983 at ngayong 60 years old na po ako binalak kong bawiin na ang aking naging contribution sa Pag-IBIG ngunit hindi ko matunton kung saan ang opisina nito.

Nanggaling na po ako sa Shaw Blvd. Ortigas (San Miguel Ave.) office, at sa Atrium Bldg. office sa Makati pero ni isa sa kanila walang makapagsabi kung nasaan ang record ko.  Ang Wise & Co., po ay nabili na ng Dharmala Group of Companies, at hindi ko na maari pang balikan para tanungin pa. 

Sayang naman po ang kahit kaunting contribution na naipon dito sa membership ko po nakalagay sa ID ko ang date of coverage: July 1981. Habang malakas pa ako, inaayos kong lahat ng mga dokumento ko upang kung kailanganin ay walang maging abala. Kung hindi ko malalaman ang record ko ng contribution, sayang din po ang mga pribilehiyo ko as a member kung sakaling ako ay maghangad na bawiin na ang konting naipon ko dito.  Alam ko pong hindi malaki ito, ngunit hindi ko po lubos na maintindihan kung bakit nawala at sukat lamang ang record na ito.

Dahil po kaya maliit lamang ang naging contri-bution ko kaya hindi nila isinama nang isalin sa computer ang record ng members na hindi na active?  Nabalewala na po ba sa SSS at Pag-IBIG ang membership ko?  Maghihintay po ako ng kaliwanagan tungkol dito at lubos po akong nagpapasalamat kung ako ay matutulungan mo.


–GNG. ADELAIDA BUENO OSORIO

21-A St. Joseph St. Ismael Park Homes,
Ampid, San Mateo , Rizal

Gng, Osorio, abangan mo sa susunod na labas ang aking kasagutan.
* * *
Ang Doktora Ng Masa ay handang magbigay ng serbisyo publiko. Maaari kayong mag-e-mail sa: [email protected] o magpadala ng liham sa aking tanggapan sa Room 209, GSIS Building, Senate of the Philippines , CCP Compound, Pasay City.

A ST. JOSEPH ST. ISMAEL PARK HOMES

ADELAIDA OSORIO

AKO

ANG WISE

ATRIUM BLDG

BRIXTON STS

KUNG

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with