^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Pagkawala ni Bentain at pagbalik ni Atong

-
DUMATING na kahapon si Charlie "Atong" Ang mula Los Angeles. Pinayagan si Atong ng US District Court na ma-extradite para harapin ang plunder charges na inihain sa kanya kasama si dating President Joseph Estrada. Tumakas si Atong patungong Las Vegas kasama ang kanyang pamilya noong January 2001 ilang araw matapos mapatalsik si Estrada sa puwesto bunga ng EDSA 2 revolution. Isa si Atong sa mga principal accused sa kasong pandarambong. Ang iba pang kasangkot sa kaso bukod kay Atong at Erap ay si Sen. Jinggoy Es-trada, Atty. Ed Serapio, Yolanda Ricaforte, Alma Alfaro, Eleuterio Ramas Tan at Delia Rajas. Ang Sandiganbayan ang lumilitis sa kaso ng mga nabanggit. Nakakulong naman si Erap habang patuloy ang pagdinig sa kaso.

Sinabi ng Sandiganbayan na hindi naman gagamitin si Atong na state witness kay Erap dahil sobra-sobra na ang ebidensiya laban sa dating Presidente. Satisfied na raw ang Sandiganbayan sa kanilang ebidensiya.

Isa si Atong sa malalaking personalidad sa administrasyon ni Erap. Namayagpag na siya bilang presidential adviser. At nang bumagsak si Erap, hindi napawi ang kanyang pangalan lalo pa nga at hindi lamang plunder case lamang siya nasangkot kundi pati na rin sa pagkawala ng casino employer na si Edgar Bentain.

Ang totoo, sa pagkawala ni Atong noong 2001, hindi gaanong napagtuunan ng pansin ang pagkakasangkot niya sa kasong plunder kasama si Erap kundi ang tungkol kay Bentain. Marami ang naniniwala na maraming nalalaman si Atong tungkol sa pagkawala ni Bentain. Misyeryosong nawala si Bentain ilang araw makaraang maipalabas ang video na nakikipaglaro si Atong kay Erap ng baccarat sa Casino Filipino. Si Bentain ang hinihinalang kumuha ng video at ibinigay naman kay dating PCSO chairman Manoling Morato. Si Morato ay naging kalaban ni Erap noong 1998 presidential elections. Inilabas ang video habang nasa kasagsagan ang 1998 elections.

Hindi na nakita si Bentain na umano’y dinukot ng mga kalalakihan habang palabas ng Casino. Matagal nang naghahanap ng hustisya ang mga kaanak ni Bentain. Sinabi ni Justice Sec. Raul Gonzales na malaki ang maitutulong ni Atong sa pagkawala ni Bentain.

Hustisya kay Bentain. Sana nga ay malutas na ang kasong ito na matagal nang inaagiw. Hindi ito dapat matulad sa iba pang kasong natabunan na.

ALMA ALFARO

ANG SANDIGANBAYAN

ATONG

BENTAIN

CASINO FILIPINO

DELIA RAJAS

DISTRICT COURT

ED SERAPIO

EDGAR BENTAIN

ERAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with