^

PSN Opinyon

Kapwa nilalang ng Diyos

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -
Fact: 1,137 na ibat ibang uri ng hayop ang mahahanap dito sa ating bansa. Abot 14,000 klase ng halaman. Bagamat kabilang tayo sa mga kulelat na ekonomiya, pagdating naman sa Likas Yaman, Top 5 ang Pilipinas sa buong mundo.

Subalit maaring bilang na ang araw ng kayamanan ng kalikasang Pinoy. Halimbawa, nasa listahan ng "nanganganib maubos na hayop" ng DENR ang Tamaraw, Philippine Eagle, Dugong, Philippine Crocodile, Philippine Fruit bat. Ang Tarsier, namemeligro na rin. Ang may sala? Kapabayaan dahil sa kamangmangan. Sa survey, sa Metro Manila 17% lamang ang may alam sa isyu. Ano pa kaya sa probinsiya? Paano kikilos ang Pilipino kung hindi namamalayan ang problema?

Nagtakda ang DENR ng komperensya noong Nov. 8 upang maghubog ng pambansang polisiya sa proteksyon ng ating likas na yaman. Sugpungin ang kalaban — ang kakulangan ng edukasyon. Dapat tayo maging mas responsable sa kalikasan dahil ito ang ating pamana sa darating na henerasyon.

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT & NATURAL RESOURCES
Grade: 90

MANILA ZOO
. May nananawagang ipasara ang Zoo. Ipaganda man daw ito, kulungan pa rin. Subalit ang layang hinahanap para sa "kosa" ng zoo ay may kasamang peligro. Ayon kay Manila Zoo director Dr. Romulo Bernardo, karamihan ng "residente" nito ay buhay zoo na ang kinamulatan. Kung ibalik sa kagubatan ay baka iyon pa ang ikamatay. Konserbasyon at edukasyon ang prinsipyo sa pamamalakad ng zoo. Mas maraming nanganganib na mamatay na hayop kung walang zoo upang maghatid edukasyon sa madla. At paano susukatin ang kasiyahan at dunong na mawawala sa ating kabataan kapag ito’y binuwag?

Ang Manila Zoological and Botanical Gardens ay handog ng pamahalaang May- nila sa lahat ng Pilipino
.
5.5 na hektarya ng halamanan. Sariwang hangin sa gitna ng usok at alika- bok ng lungsod. Pinaka-abot-kayang pasyalan sa buong bansa. Mas mura sa sine, konsiyerto, boksing, pati sa DVD sa Quiapo. Halagang P40 lang, (P20 para sa taga-Maynila) —- may kulay at ginhawa ang buhay sa piling ng kapwa nating nilalang ng Diyos. Bata o matanda, mayaman o mahirap — lahat nagkakasama sa loob ni-tong "paraiso" sa Maynila.

ANG MANILA ZOOLOGICAL AND BOTANICAL GARDENS

DR. ROMULO BERNARDO

LIKAS YAMAN

MANILA ZOO

MAYNILA

METRO MANILA

PHILIPPINE CROCODILE

PHILIPPINE EAGLE

PHILIPPINE FRUIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with