EDITORYAL Ngayon lang nalaman ng taga-BI ang maging polite
November 6, 2006 | 12:00am
POLITE na raw ang mga taga-Bureau of Immigration (BI) pagkaraan ng insidente kay Presidential daughter Luli Arroyo. Magagalang na raw at laging nakangiti ang mga taga-Immigration particular ang mga nasa Ninoy Aquino Interna- tional Airport (NAIA). Kakahiya! Kundi pa nakita mismo at kinompronta ni Luli ang isang Immigration official, hindi nila malalaman ang kahulugan ng polite at tamang pakikiharap sa tao. Naturingan pa namang mga taong-gobyerno pero ang ipinakikita ay asal h- - - p. Kakahiya talaga! Buti na lang at na-kita ni Luli ang kagaspangan ng official kung hindi patuloy pa ang pag-aasal h - - - p ng mga nasa Immigration. Ang tanong ay hanggang kailan naman kaya ang pagiging polite nila.
Inilantad ni Edgardo Padlan, 60, ang tunay na balat ng Immigration nang bulyawan niya si Luli noong November 1. Si Luli ay nakapila sa Immigration special lane ng mga diplomat nang makita nito ang ginawa ni Padlan na binali ang pila para lamang mapasingit sa unahan ang isang dayuhan. Maraming pasahero ang nakapila ang nilampasan ng dayuhan na inalalayan ni Padlan. Hindi na nakatiis ang nayamot na si Luli at kinompronta si Padlan kung bakit nito pinauna ang dayuhan gayong marami ang nakapila. Ang sagot ni Padlan kay Luli: "Hindi ka ba makapaghintay?"
Doon na nagsimula ang kalbaryo ng Immigration official. Ang masakit ay nang sabihan pa siya ni Luli na: "Bakit kaming mga Pilipino ang pinapagalitan mo? Bakit hindi yung foreigner?" Umanoy ikinatwiran ni Padlan na kaya niya inaasikaso ang dayuhan ay sapagkat mali-late na ito sa flight. Ganoon daw ang ginagawa kapag may pasaherong tinatawag na ng eroplano.
Tama lamang na magsalita si Luli sa aroganteng si Padlan. Bakit hindi ang pagalitan niya ay ang dayuhan na late sa flight? Bakit kailangang isakripisyo ang mga nakapila at mistulang dinidiyos ang dayuhan? Bakit masyadong pinahalagahan ni Padlan ang dayuhan at hindi na nga nakilala si Luli? Anong klaseng serbisyo publiko si Padlan na hindi alam kung paano makipag-kapwa tao?
Naniniwala kami na hindi lamang si Padlan ang may ganitong may magaspang na ugali. Tiyak na namumutiktik pa sila sa NAIA at araw-araw na nagpapakita ng kagaspangan sa mga taong nagdadaan sa NAIA. Kahit na sinabi pa ng Immigration na nabuksan ang kanilang isip sa insidenteng nangyari kay Luli, hindi kami lubusang tiwala na panghabang panahon nila itong gagawin. Nagkataon lamang na "anak ng Presidente" ang sangkot pero kung naging karaniwang tao lang si Luli, tiyak na walang mangyayari.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am