^

PSN Opinyon

Sa kadiliman ng gabi

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SI Poldo ay namasada ng kanyang tricycle isang gabi kahit na malakas ang ulan. Lalong lumakas ang ulan kaya sumilong siya sa isang gasolinahan kasama ang kapwa drayber. Habang hinihintay ang pagtigil ng ulan, lumapit sa kanila sina Lando at Marco upang umarkila ng tricycle. Tanging si Poldo ang pumayag na isakay sina Lando at Marco. Nang makarating sina Poldo sa kabilang bayan, bigla na lamang sinaksak ni Marco si Poldo at inihiga sa upuan ng tricycle at pagkatapos ay pinatakbo nang mabilis ang tricycle. Nang bumalik ang ulirat ni Poldo at makakita ng ilang tao sa tabi ng kalsada, agad nitong sinipa ang manibela ng tricycle kaya nabangga ito sa isang poste.

Nakita ng isang pulis ang nangyari at agad na inaresto sina Lando at Marco nang makunan din ang mga ito ng balisong. Namatay agad si Poldo dulot ng ilang saksak sa katawan. Nakasuhan sina Lando at Marco ng pagpatay kay Poldo na pinabigat ng sirkumstansyang nocturnity o kagabihan. Tama bang ang sirkumstansyang nocturnity ay isaalang-alang kahit na hindi ito napatunayang sinadya upang maisakatuparan ang krimen?

TAMA.
Ayon sa Korte Suprema may dalawang uri ng test upang matiyak kung ang kagabihan ay magpapabigat na sirkumstansya sa isang krimeng nagawa: Una ay ang objective test kung saan ang sirkumstansyang ito ay nagpapabigat dahil napadali nito ang pagsasagawa ng krimen at ang subjective test na nagpapabigat sa krimen dahil ito ay sinadya ng akusado upang maisakatuparan ang krimen. Ang dalawang test ay alternatibong magagamit.

Samakatuwid, kahit na hindi sinadya nina Lando at Marco ang sirkumstansya ng kagabihan, mahahatulan pa rin sila ng robbery with homicide dahil napadali ang pagsasakatuparan ng krimen sa pamamagitan ng nasabing sirkumstansya (People vs. Palon, 127 SCRA 529).

AYON

HABANG

KORTE SUPREMA

LALONG

LANDO

MARCO

NAKASUHAN

NAKITA

NANG

POLDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with