Bird flu
October 29, 2006 | 12:00am
NAGSISIMULA nang magbago ang klima. Nararamdaman na ang unti-unting paglamig. At kapag ganitong taglamig nagdadagsaan na naman sa Pilipinas ang mga tinatawag na migratory birds. At kapag napag-uusapan ang tungkol sa mga "dayong ibon", hindi maiiwasang isipin ang tungkol sa bird flu.
Bagamat ang Pilipinas ay idineklarang bird flu free, hindi rin ito ipinagwawalang-bahala ng gobyerno. Sa pagdagsa ng mga "dayong ibon" sa Pilipinas, nakaalerto ang pamahalaan sakali at may mapabalitang kaso ng bird flu. Ang bird flu ay dala ng mga "dayong ibon". Marami nang nabiktima ang bird flu sa China, Vietnam, Thailand, at Indonesia. Tanging ang Pilipinas dito sa Asia ang walang nairereport na kaso ng bird flu.
Ang mga "dayong ibon" ay karaniwang sa Candaba, Pampanga at ilang lugar sa Pangasinan naninirahan kung Nobyembre.
Ayon sa Department of Agriculture maaga ang gina-wa nilang paghahanda para maiwasan ang paglaganap ng bird flu. Ang bird flu alert ay inilunsad na sa mga barangay ng mga bayan at kanayunan lalo na ang mga pagkakakitaan ay manukan at itikan. Ayon sa DA ang programa ay sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng DILG at NGOs. Sabi ng DA, kapag may matuklasang lugar na may bird flu virus dapat ipaalam agad sa mga municipal agricultural officers. Hanggat maaari ay huwag munang isiwalat sa media para maiwasan ang sensational reporting na makasisira sa programa laban sa bird flu. Paalala pa ng DA, kapag may mga migratory birds huwag silang lapitan at hulihin at tiyaking hindi sila magkakaroon ng kontak sa mga katutubong ibon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended