Sangkaterba pala ang mga illegal fishpen na nakatayo sa Laguna de Bay kaya naman nagbubunyi ang mga small fishermen sa nasabing lugar dahil giniba ni super storm Milenyo, ang mga baklad na nakatayo diyan. Sabi nga, thank you, Lord!
Gutom at hirap ang naranasan ng mga small fishermen ng dumami ang illegal sa Laguna de Bay. Kahit si DENR Secretary Angie Reyes, ay dehins makagalaw sa mga sindikato todits kaya laking pasasalamat ng mga boys ng pumasok sa Pinas ang super typhoon. Ika nga, winindang lahat ang baklad.
Naawa naman ako sa mga legal kaya lang dehins ito maiiwasan. Sabi nga, gusto ito ni Lord!
Nahirapan si Danny noong kasagsagan ng bagyong Milenyo dahil sa laki ng idinulot nitong pinsala hindi lang sa kanyang lugar kundi sa iba pa. Brownout, giba ang mga bahay, liparan ng mga bubong etcetera. Kaya naman ang mga constituents ng ating bida ay panay ang katok sa kanyang house para humingi ng tulong.
Sabi nga, tulong dito, tulong doon ang ginawa ni Kapitan.
"Puede na siyang pang-Congressman pala?" tanong ng kuwagong tiktik kalawang.
Hindi na pang-Barangay lang si Teves, sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Sana huwag siyang magbago sa taga-Barangay niya at maging sa iba pang barangay sa Muntinlupa na gustong humingi ng tulong."
"Sige kamote sasabihin ko!"