^

PSN Opinyon

Supt. Aldie Nieves lagot ka kay Gen. Calderon!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAGBUKAS na ang jueteng sa ilang probinsiya sa Luzon. At tulad ng inaasahan, nakatago ang jueteng sa likod ng small town lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng gobyerno. Ayon sa mga kausap ko sa Manila Police District (MPD) aktibo na naman ang mga kubrador ng jueteng sa Quezon, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna at Albay. Pero siyempre, dalawa ang rutang dala nila at ito ang magpapatunay na magkakutsaba ang kapulisan at ang PCSO para hindi na maabala ang takbo ng jueteng habang palapit ang May election. At ang itinuturo ng mga kausap ko sa MPD na nagbigay ng basbas sa pagbukas ng jueteng ay ang isang Supt. Aldie Nieves, na naka-assign umano sa opisina ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Calderon. Ngayon ko lang narinig si Supt. Nieves pero mukhang bagyo siya kay Calderon kung totoong siya nga ang nagbigay ng go-signal para magbukasan na ang jueteng sa mga probinsiya, di ba mga suki? He-he-he! Lagot ke Calderon si Nieves.

Kung si Nieves nga ang nasa likod ng pagbalik ng jueteng, bakit salungat ang hakbangin niya sa policy ni Calderon sa jueteng? Maliwanag kasi mga suki na gustong ipasara ni Calderon ang juetong noong Setyembre at nasunod naman. Pero hindi pa nga nakapag-isang buwan eh balik-kalye na naman ang jueteng at nakatago na nga sa STL. Ang siste niya, kahit anong pagbubulgar pa ng simbahan, Oposisyon at iba pa ng jueteng eh hindi na ito matinag-tinag dahil sa kutsabahan ng pulis, PCSO at mga pulitiko. At sino na ang magpapahinto ng jueteng? Siyempre hindi ang PNP ni Calderon. At hindi rin tiyak ang Palasyo dahil matagal nang tumutulo ang laway ni TABA dahil nahinto ang grasyang dulot ng jueteng nga. Ang simbahan? Ewan ko kung ano ang ginagawa sa ngayon ni Lingayen-Dagupan Arch. Oscar Cruz ng Krusada ng Bayan Laban sa Jueteng? Napakatahimik na sa ngayon ng bansa tungkol sa jueteng at binasag lang ang katahimikan ng panghimasukan ni Nieves ang naturang sugal nga. Kung sabagay, sino ba ang ayaw sa grasya? He-he-he! Sa MPD kaya kailan magkaroon ng jueteng?

Kung sa opisina ni Calderon talaga naka-assign si Nieves, aba wala talaga siyang delicadeza sa ginawa niyang pagbigay ng go signal sa jueteng, anang kausap ko sa MPD. Kasi nga alam naman siguro ni Nieves na masyadong sensitibo ang usapin tungkol sa jueteng at kapag nabanggit ang pangalan niya, sabit tiyak si Calderon. Hindi man lang inilayo ni Nieves ang bulsa niya sa jueteng para may pagkakataon man lang siya na i-deny ang involvement sa pagbalik ng jueteng. Kung isinusubo ni Nieves si Calderon sa jueteng, eh hindi nalalayo na maging controversial na naman ang PNP chief sa darating na mga araw. Aayaw-ayaw kunyari sa jueteng si Calderon, eh gusto rin pala niya at hindi pa inilayo niya ang ebidensiya na nakisawsaw siya sa naturang sugal.

ALDIE NIEVES

BAYAN LABAN

CALDERON

JUETENG

LINGAYEN-DAGUPAN ARCH

MANILA POLICE DISTRICT

NIEVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with