^

PSN Opinyon

Bakit kinuha ni Varilla ang serbisyo ng 3 itlog?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAG-IIYAKAN ang mga gambling lords at bold show operators sa northern Metro Manila dahil sa delubyong inabot nila na mahigit pa sa bagong Milenyo. Hindi lang kasi maliit na delubyo ang tumama sa kanila mga suki kundi tatlong sunud-sunod na bagyo na papangalanan kong sina Arnold Sandoval, Noel de Castro at Pancho. Siyempre, ang ginigisa ng taltong bagyo, este kolektor ng intelihensiya ay ang pangalan ni NCRPO chief Dir. Reynaldo Varilla. Nagkaroon pala ng bidding sa weekly intelihensiya ng NCRPO at itong sina Sandoval, De Castro at Pancho ang nanalo. Ang highest bid nila? Tumataginting na P850,000 kada linggo.

At paano naman makokolekta ng tatlong itlog ni Varilla ang naturang halaga eh mahina ang negosyo sa ngayon matapos salantahin ng bagyong si Milenyo ang Metro Manila? Eh di sa mga gambling lords at bold shows operators di ba mga suki? Baka gamitin ni Varilla ang malikom na pondo sa pagpagawa ng NCRPO na winasak ni Milenyo? He-he-he! Akala ko ba gustong linisin ni Varilla ang hanay ng NCRPO? Bakit kinuha niya ng serbisyo ng tatlong itlog na sinibak na noong kapanahunan ni dating NCRPO chief Vidal Querol?

Kaya nag-iiyakan ang mga gambling lords at bold shows operators sa NPD mga suki ay dahil dinodoble nina Sandoval, De Castro at Pancho ang lingguhan nilang intelihensiya para makumbinsi si Varilla na sila na nga ang sugo ng langit sa kagustuhan niyang salapi. At katunayan, nagsimula nang magpakilala ang tatlong itlog ng makipagkita sila sa 10 gamblingi lords sa CAMANAVA area noong nakaraang Sabado sa Max restaurant sa 10th Ave., sa Caloocan City at pinalantsa na ang timbre nila.

May nakatago kasing P30,000 weekly collection doon at ’yan ang pilit inaalam nina Sandoval, de Castro at Pancho para mapasakamay nila, anang kausap ko sa Manila Police District (MPD). Nagtagumpay ba sina Sandoval, De Castro at Pancho? Sa darating na mga araw ang kasagutan mga suki.

Ang nagpa-bidding pala ng intelihensiya ay sina Col. Marquez, ang hepe ng intelligence ng NCRPO, Col. Vano, ang hepe ng comptrollership at Col. Villanueva ng RISOO. Sina Marquez at Vano ay mga bata ni Varilla samantalang si Villanueva ay inabutan na niya. Pero ang tanong, bakit sinisira nina Marquez, Vano at Villanueva ang mabangong pangalan ni Varilla dahil sa pera? Kasi nga mga suki, hindi nakuntento ng lingguhang intelihensiya sina Sandoval, De Castro at Pancho at humingi pa sila ng goodwill money sa taga-CAMANAVA. He-he-he! Sino pa bang may illegal ang hindi iiyak niyan?

Lumalabas kasi na maghahanapbuhay ka para buhayin ang mga pamilya nina Varilla, Marquez, Vano, Villanueva, Sandoval, De Castro at Pancho. Kung sabagay, kung sa CAMANAVA eh ga-balde na ang luha ng mga gambling lords at bold shows operators, sa susunod na mga araw tiyak sasalanta na naman ang bagyong Sandoval, De Castro at Pancho sa iba pang tabakuhan sa Metro Manila. Kaya ang payo ko sa mga may illegal sa eastern, southern, central at Manila, aba kumapit kayo ng husto dahli sobrang lakas na darating na bagyo sa buhay n’yo. At habang, malungkot kayo, tiyak na masaya naman sina Varilla, Marquez, Vano at Villanueva. Abangan!

vuukle comment

CASTRO

DE CASTRO

MARQUEZ

METRO MANILA

PANCHO

SANDOVAL

VANO

VARILLA

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with