^

PSN Opinyon

Movie ticket gamit sa pangongotong

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
MARAMI nang uri ng pangongotong ang nahulog sa patibong ng BITAG. Iba’t iba ang estilo ng kanilang modus. Merong may uri at kulay ang uniporme na nasa likod ng pangongotong. Merong hayagan at garapal at meron din namang mga pasimpleng kotongero.

Pero sa Novaliches, kakaibang uri ng pangongotong ang nadiskubre ng BITAG ang pangongotong na gamit ay movie ticket sa mga sinaunang sinehan.

Ilang sumbong ang natanggap ng BITAG buhat sa mga driver ng pampasaherong jeepney na may rutang Novaliches-Blumentritt.

Inirereklamo ng mga naturang driver ang ginaga- wang paniningil ng isang grupo ng mga kalalakihan na empleyado di umano ng isang terminal sa Novaliches Bayan. Ang nasabing terminal ay para lang sa mga jeepney na biyaheng Caloocan at Bulacan. Ipinatutupad ito ng traffic re-routing scheme sa Novaliches subalit nakita ito ng mga mapansamantalang kotongero.

Bawat driver na dumadaan sa terminal na ito ay sinisingil ng limang piso kada daan kapalit ang isang movie ticket na akala mo’y manonood ka ng sine. Kapag hindi nagbayad ay siguradong huhulihin ang mga driver ng mga nakaabang na matatakaw na traffic enforcer ng Quezon City na kilala bilang mga ‘‘yellow boys.’’

Dahil sa perwisyong dulot nito sa mga jeepney driver pinag-aralan ng BITAG ang estilong kawatan ng mga kolokoy. Matapos ang matagumpay na surveillance ng BITAG sa lugar, agad isinagawa ng BITAG ang kumprontasyon sa mga kotongero ng Novaliches.

Naabutan pa ng BITAG ang sinasabing kolektor ng terminal habang nakapulupot pa sa kanya ang rolyo ng mga movie ticket.

Walang nagawa ang mga kolokoy nagturo na lamang ang mga ito, kasi nga naman ay kaharap na nila si Mr. BITAG kahit ano pa mang palusot nila ay hindi umubra.

Nasa likod daw ng naturang movie ticket ay isang opisyal ng City Hall ng Quezon City, ito raw ang namamahala sa naturang terminal.

Abangan ang buong detalye na mapapanod sa BITAG sa IBC 13 sa Sabado.

vuukle comment

ABANGAN

BAWAT

BITAG

BULACAN

CITY HALL

MERONG

NOVALICHES

NOVALICHES BAYAN

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with