Sa wakas, modernong pabahay para sa mga pulis!
October 13, 2006 | 12:00am
Modernong pabahay para sa mga pulis na walang sariling bahay ang sinimulan nang itayo sa bahagi ng East South part ng Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City. Sa panimula ng konstraksyon itatayo ang dalawang gusali na may taas na tatlo at apat na palapag bilang bahagi sa 17 gusali na konstraksyon sa may 4.5 hectares sa loob ng kampo.
Ang proyektong Quarteing Project ay sa pagtutulu-ngan ng Philippine National Police (PNP)at Gawad Kalinga Foundation (Gawad Kalinga 777) na dinisenyo ni Architect Jose Thomas Beldia.
Ang ground breaking ceremony ay dinaluhan nina PNP Chiel P/Director General Oscar C.Calderon, Mr. Antonio P. Meloto, Executive Director, Gawad Kalinga 777, Deputy Chief PNP for Administration/ Chairman PNP Housing Board PDDG Avelino Razon Jr, National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Reynaldo P. Varilla at Taguig City Chief Executive Mr. Eddie Mariano na kumatawan kay Mayor Dante Tinga na hindi nakarating sa naturang seremonya.
Syempre dumating din ang halos lahat ng mga matataas na opisyal ng ating pulis, maging ang limang district director sa Metro Manila upang saksihan ang makatotohanan at makasaysayang seremonya, he, he, he! Palakpakan ang lahat sa naturang proyekto at naba- bakas sa kanilang mukha ang kasiyahan.
Sa naturang proyekto, mabibiyayaan ang may 6,000 pamilya ng mga pulis mula PO1 hanggang sa mataas na ranggo at maging ang mga Non-Uniformed Personnel. He,He,He! Mapalad sila sa naturang proyekto dahil abot na nila ang langit sa pagbabagong buhay.
Sa tingin ko seryoso itong si PDDG Razon sa kanyang proyek-tong sinimulan sa ilalim ng pamunuan ni PNP Chiel Calderon. Sabi nga nang makausap ko si Razon, inilarawan sa akin ang paghihirap ng mga pulis sa buong bansa.
"Ang pangunahing problema ng ating mga pulis ay ang kawalan ng sariling tahanan. Karamihan kasi sa mga pulis na na-aasign sa mga presinto at maging sa mga headquarters ay pawang galing pa sa mga malalayong lugar kung kayat ang kanilang mga pamilya ay nagtitiyaga na lamang mangupahan o di kayay nakikisukob sa kanilang mga kamag-anakan."
Kumbinsido ako sa tinuran ni Razon dahil na rin sa aking mga kakilalang pulis na nakatira lamang sa mga squatters areas o di kayay nangungupa-han lamang sa mga apartment na kalapit sa kanilang assignment upang may masilungan lamang ang kanilang mga pamil- ya.
Sa pananaw ko, ito na ang simula para mabago na rin ang pagtingin ng mga mamayan sa mga pulis natin. Kung ang ating mga pulis ay nasa maayos na pamumuhay ay mahihiya na rin silang gumawa ng kalokohan at mang-abuso sa mga mamamayan.
Kadalasan kasi gumagawa ng pangongotong ang ilang mga pulis dahil na rin sa kahirapan sa buhay. Ang ilan kasi sa kanila ay kinakapos sa pambayad sa renta ng kanilang mga tahanan at pansuporta sa pangangailangan ng kanilang mga pamilya.
Ito na rin marahil ang simula na mabuking ang ilan sa ating mga pulis na mara-ming pamilya, he, he, he! Gets nyo mga suki? Nais kong purihin si PNP Chief Calderon at ang Gawad Kalinga 777 sa pagsuporta sa proyekto na tatamasahin ng ating pulis na nangangailangan ng tahanang masisilungan.
Nais ko ring saluduhan itong si Gen. Razon sa mga planong makakatulong sa mga pangangailangan ng ating mga pulis na magkaroon ng sariling tahanan na masisilungan ng kanilang pamilya at mabago ang pamumuhay.
Mabuhay ka Sir!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended