^

PSN Opinyon

Dapat mag-retake sa nursing board exam

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
NAGUGULUHAN na ang taumbayan sa mabagal na aksiyon ng pamahalaan sa kontrobersiyal na nursing board exam. Unang sinabi ng pamahalaan na walang retake. Pero nagbago ng pasya at magkakaroon na raw ng retake. Ngayo’y hindi na malaman kung ano ang desisyon ng pamahalaan kung magre-retake ba o hindi. Ano na rin ang resulta ng imbestigasyon ng NBI at ng iba pang pribadong ahensiya?

Akala ko tapos na ito sapagkat ginamit nang basehan diumano ang resulta ng mga nasabing imbestigasyon para magpahayag si President Arroyo na dapat mag-retake ang mga examinees.

Subalit lumilitaw ngayon na hindi pa pala pinal ang announcement ni Arroyo. Hihintayin pa rin daw ang final results ng investigation ng NBI. Ang ipinagtataka ko lamang ay kung bakit tumatagal ang desisyon ng gobyerno. Baka may inaayos? Kaduda-duda na ang tagal ng pagdedesisyon.

Duda ko ay maraming nakikialam sa desisyon. Kanya-kanyang bulong siguro kay GMA. Hinala ko dahil maraming nagbubulong, natataranta na si GMA kung ano ang magiging desisyon. Kung tutuusin, hindi mahirap desisyunan ang bagay na ito. May mga basehan naman at maraming ebidensiya. Dapat lamang na malapit sa katotohanan ang maging desisyon at tapos na ang problema.

Habang nakabinbin ang eskandalong ito, lumulubog naman ang imahe ng Pilipino nurses sa paningin ng ibang bansa. Ngayon ay hindi muna kumukuha ng mga Pinoy nurses ang mga hospital sa US, Europe at Asian countries.

Tama lamang na mag-retake ang 2006 examinees para matapos na ang kontrobersiya at maibangon ang dangal ng Pinoy nurses. Sana rin ay siguruhin ng pamahalaan na hindi na mauulit ang leakage.

vuukle comment

ANO

DAPAT

DUDA

HABANG

HIHINTAYIN

HINALA

KADUDA

PINOY

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with