^

PSN Opinyon

Tagilid si Bush sa darating na elections

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
SA isang taon pa ang eleksiyon sa Pilipinas at hindi presidential ang paglalabanan. Malapit na rin ang eleksiyon sa United States at presidency naman ang paglalabanan. Kaya, habang palamig-lamig lamang si GMA sa kasalukuyan, kabaligtaran naman ni President George W. Bush na parang ginigisa dahil ang kanyang kandidatura ay nasa bingit ng alanganin.

Malaking porsiyento pa rin sa mga Amerikano ang tutol sa patuloy na panggigiyera ni Bush sa Iraq. Gusto nilang iatras ni Bush ang mga sundalo sa Iraq at pabayaan na lamang ang mga Iraqi na magpatakbo ng kanilang bansa.

Naniniwala ang karamihan sa mga Amerikano lalo na ang mga kalaban ni Bush sa pulitika na nilalaspag lamang nito ang trilyun-trilyong dolyar at sinasayang ang buhay ng libu-libong sundalo sa walang kapararakan. Dahil dito, maraming sektor tuloy ang napapabayaan at hindi nawawalan ng pondo. Tumataas ang presyo ng mga bilihin at tuluyan na ring naapektuhan ang ekonomiya at pangkalahatang kabuhayan ng mga Amerikano.

Mabuti na lamang at patuloy na bumababa ang presyo ng langis. Ewan ko kung ang pagbababa ng presyo ay dahil sa pagsuporta ng mga oil suppliers kay Bush. Si Bush ay malapit sa mga may-ari ng oil refineries at may control ng langis sa buong mundo. Sa palagay ko maaaring matalo si Bush kapag magpatuloy na tumaas ang presyo ng langis at iba pang bilihin.

Pero sabi naman ng iba, mahirap talunin si Bush sapagkat suportado siya ng mga may-ari at nag-kokontrol ng langis sa buong mundo. Kaya lang, baka ito rin ang isa sa maging dahilan kung bakit siya matatalo sapagkat marami rin ang nagagalit sa sobrang pagtaas ng gasoline. Baka ang manaig ay ang isyu ng giyera sa Iraq.

AMERIKANO

BUSH

DAHIL

EWAN

KAYA

MALAKING

PRESIDENT GEORGE W

SI BUSH

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with