^

PSN Opinyon

Truth shall prevail

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
PINAUWI ni Sr. Supt. Nap Cuaton, bossing ng Caloocan Police Investigation and Management Bureau, sina Alejandro Galapo, Roselio Flor at Mark Anthony Estrella, mga burungoy este mali Barangay tanghod este tanod pala dahil sa kakulangan ng evidence para idiin sila sa kasong multiple murder. Sabi nga, go home.

Nasama ang tatlo nang salakayin ng mga kabig ni Cuaton ang Barangay Hall sa Valenzuela City para sungkitin at ikalaboso sina Graciano Victoriano, Barangay kupitan este mali kapitan pala ng Barangay Bignay diyan sa Valenzuela City, et al dahil sa impormasyon na sila ang tumigok sa anim na factory workers noon.

Isa-isang kinanta ng asset ni Cuaton ang participation ng bawat kasama ni Victoriano noong gabing ratratin nila sina Ramon Villanueva, Arthur Cadoma, Judril Megiso, Jun Azuero, Jefferson Agipanan at Reynie Ponteros Amaro, sa ob-lo ng Nova Romania Subdivision, Deparo, Caloocan City.

Nag-happy-happy ang mga victims. Nag-inuman kasi sila kaya naman pasuray-suray silang naglalakad sa Bgy. Bignay.

Dahil sa inggit este mali kaduda-dudang kilos ng mga pobreng alindahaw inginuso ng isang tricycle driver kaya botak ito sa barangay.

Bukod sa lakad lasing ang mga victims ng injustice nakitaan pa raw sila ng mga matutulis na bagay sa katawan kaya sa buong akala ng mga killer masasamang tao ang mga tinepok nila. Laking disgrasya ito Graciano.

‘‘Talaga bang mamamatay tao si Graciano?’’ tanong ng kuwagong haliparot.

‘‘Ewan! Pero bakit may high powered guns sila’’ anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Pasalamat ang mga kuwago ng ORA MISMO, at nahuli sila ni Cuaton,’’ sabi ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Truth shall prevail, kamote!"

‘‘Korek."

vuukle comment

ALEJANDRO GALAPO

ARTHUR CADOMA

BARANGAY BIGNAY

BARANGAY HALL

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE INVESTIGATION AND MANAGEMENT BUREAU

CUATON

GRACIANO

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with