Bantayan ang kasong droga ni Jackson Dy
October 3, 2006 | 12:00am
BANTAYAN nyo po ang kaso ni drug lord Jackson Dy. Yan ang buod ng liham ni PNP Sr. Supt. Federico Laciste kay Dir. Gen. Dionisio Santiago ng Phil. Drug Enforcement Agency. Nakakuha ang Pilipino Star NGAYON ng kopya ng liham, petsa Sept. 18, na nagkukuwento ng mga misteryosong liku-liko sa paglilitis sa isa sa pinaka-malaking dayuhang drug lord na nadale ng awtoridad.
Maalalang ang Taiwanese na si Dy ang may-ari ng mansiyon sa tabing dagat ng Tanza, Cavite. Doon natagpuan nung 2003 ang pinakamalaking lutuan ng shabu: isang bakal na cylinder na kayang gumawa ng 10 kilong droga sa isang pakuluan. Kasabay ng raid sa Tanza ay sa tatlong bodega ni Dy ng raw materials: sa Horseshoe Village, Quezon City; Manila Bay Homes, Parañaque City; at Lancaster Townhomes, Pasay City. Tone-toneladang ephedrine at iba pang sangkap ang nakuha ng PDEA-PNP.
Hindi na umaandar ang bista ni Dy. Pinatigil ito ni Court of Appeals Justice Roberto Barrios nung Aug. 23. Samantala, hinihingi ng mga abogado ni Dy na pawalambisa ang search warrants para sa raids nung 2003 na inisyu ni Trece Martires Judge Aurelio Icasiano. Nauna nang tanggihan ni Icasiano ang parehong motion sa sala niya, dahil regular naman ang paglabas niya ng warrants. Kung tutuusin, positibo nga ang resulta: may nasabat ng shabu, at materyales at sangkap sa paggawa nito.
Dismayado na si Judge Icasiano sa pagtigil ng trial. Sa ngitngit, nabulalas niya sa korte na magre-resign siya kung ipawalambisa nga ng Court of Appeals ang search warrants. Pero, yon na nga marahil ang gusto ng mga abogado ni Dy, na kabilang pa ang isang retiradong PNP general. Nauna nang tinangkang suhulan si Icasiano ng P30 milyon para i-grant ng bail si Dy miski labag sa Dangerous Drugs Act. Tinangka ring suhulan si Colonel Laciste ng P10 milyon para huwag tutulan ang bail; nagpatimbre pa ang manunuhol sa ilang PNP generals para harapin ng aide ni Laciste.
Kung ganyan na ang nangyayari, dapat ngang tutukan ni Santiago ang kaso. Pati media, dapat tumutok.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest