Payo kay Bata: Lumayo ka sa mga pulitiko!
September 17, 2006 | 12:00am
PAKI lang! Tinatawagan ang Batch 76 ng Alimodian National Comprehensive High School na may reunion kayo sa Sabado de Gloria sa darating na taon sa ANCHS grounds sa Alimodian, Iloilo. Ang mga interesado ay maaaring kumontak kina Teresita Perez-Lachica sa cellphone no. 09189374374, Emilia Andeo-Rosaldes sa 0916-3935645, Rosela Ambata-Alloso sa 09192559777 at Junet Alli sa 09108212949.
Imbes na ang gulo sa gobyerno at kapaligiran ang talakayin ko ngayon, magta-time out muna para ipagbunyi ang mga hero ng Pinoy sa kasalukuyan na sina Efren "Bata" Reyes at Biboy Rivera. Walang sawa kasi tayong sumusubaybay sa pulitika at maging sa PNP at iba pang ahensiya ng gobyerno mga suki, pero mukhang walang katapusan ang mga problemang dulot nila. At higit sa lahat, wala rin tayong makikitang pagbabago sa hanay nila. Kaya sa paggapi nina Reyes at Rivera sa mga kalaban nila sa billiards at sa bowling, kalimutan muna natin ang pulitika at problema na wala namang naidulot na maganda sa ekonomiya ng bansa.
Si Reyes ay namayani sa IPT World 8-ball championship sa Reno, Nevad samantalang si Rivera sa bowling sa abroad din. Makikita naman ang suporta ng ating kababayan kina Reyes at Rivera dahil World champs sila. Kung nagkawatak-watak tayong mga Pinoy, napatunayan lang na sa larangan ng sports, nagkaisa tayo kahit panandalian lang. Kayat dapat dumami pa ang bilang ng Pinoy na maging world champion at maaaring maging daan ito para magkaisa na ang matagal nang nagbabangayan na mga pulitiko at mga government officials natin, he-he-he! Get nyo mga suki?
Kaya sa pagbalik ng dalawang Pinoy world champs sa bansa, may payo ako sa kanila. Huwag silang pumayag na pagamit sa ating pulitiko dahil wala namang laman ang kanilang isipan kundi ang kapakanan ng kani-kanilang bulsa. Tingnan na lang ang "peoples champ" natin sa boksing na si Manny Pacquiao. Kung sinu-sinong pulitiko ang nagtaas ng kamay niya matapos pataubin niya ang kalabang si Erik Morales noong Hulyo. Pero matapos ang init ng tagumpay niya, nasaan na ang mga pulitikong pumipila sa harap ni Pacquiao? Nagkawa- laan na rin. Pero may mga pulitikong makapal ang mga mukha na ibinabandera pa sa kalye ang retrato na itinataas niya ang kamay ni Pacquiao. Nanggaga- mit lang, di ba mga suki? Siyempre, kasama ako sa buong sambayanan na nananalangin na manalo ang manok nating si Pacquiao sa deciding bout nila ni Morales sa Nobyembre. Kapag nanalo na siya, ang payo ko kay Pacquiao, umiwas na siya sa pulitiko dahil hindi sila makakatulong sa boxing career niya.
May iba nga diyan, hinihimok pa si Pacquiao na pumasok sa pulitika. Yan ang masabi ko sa mga laos nating pulitiko, gagamitin ang lahat para manatili sila o ang mga manok nila sa puwesto. Pero maliwanag na ninanakaw nila ang tanging kayamanan na nagdudulot ng kasikatan sa bansa natin si Pacquiao nga. May ibubuga pang ilang taon si Pacquiao kung hindi lang ma-distract ng mga pulitiko natin. Kaya dapat dito kina Reyes at Rivera, lumayo rin sa mga pulitiko dahil hindi sila makatutulong para umusad ang career nila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended