Ayon sa mga American researchers, mas marami ang babae kaysa lalaki na dumaranas ng migraine. Karamihan sa mga babae ay umeedad ng 20 hanggang 50 anyos.
Ipinapayo ng mga eksperto na para maiwasan ang severe migraine ay dapat na ayusin ang lifestyle. Iwasan ang pagpupuyat, pagpapalipas ng gutom, paninigarilyo, paglalasing at mga pagkain nang mayaman sa kolesterol.
Sinasabi ng mga eksperto na may kaugnayan din ang migraine sa stroke dulot ng pamumuo ng dugo (blood clot). Ipinapayo nila na dapat na kumunsulta sa doktor para sa tamang prescription. Huwag na huwag mag-self-medicate.