^

PSN Opinyon

Murderer Rolito Go nilalakad makalaya

SAPOL - Jarius Bondoc -
NAAALALA n’yo pa ba si Rolito Go? Ito ‘yung mayamang kontratista sa Ilocos na nu’ng July 2, 1991, matapos maglabas ng baril sa diner sa Wilson St., San Juan, ay sumalungat sa one-way traffic at binaril si Eldon Maguan na nagkataong nagmamaneho sa tamang direksiyon matapos bumili ng take-home pizza. Nakagagalit maalala si Go, di ‘ba? Kasi, walang kalaban-laban at malapitan niyang pinaputukan sa ulo si Eldon, na noo’y edad-25 at graduating sa La Salle University. At mas lalo pang nakagagalit maalala na tumakas siya mula Pasig jail tatlong araw bago masentensiyahan nu’ng 1993 at nagsabing lokohan lang kasi ang sakdal nang mahuli nu’ng 1996.

Puwes, mapupunit na ninyo ang diyaryong ito sa poot sa balitang nilalakad ngayon ang paglaya ni Go. At pailalim pa man din.

Katuwiran ng mga abogado niya, puwede nang magpaiksi si Go ng sentensiya dahil mahigit 10 taon na siya sa bilibid. Pero ang papeles niya sa Malacañang ay parang executive clemency – pagpapatawad. Anila sa liham kay President GMA nu’ng Dec. 2, 2005, nakapagsilbi na raw si Go nang 13 taon at 13 araw.

Kuwentahin kung tama: nakulong siya nu’ng July 8, 1991, tumakas nu’ng Nov. 1, 1993, nahuli nu’ng Apr. 30, 1996, hanggang Dec. 2, 2005 na petsa ng liham. Hindi ba’t bulaan, 11 taon at 11 buwan lang? Aba’y pati panahon sa pagtakas isinama sa pagkulong – grounds nga ang pagtakas para pahabain ang sentensiya.

Nagsisisi na raw si Go sa bigat ng kasalanan, at hindi na maibabalik ang buhay ni Eldon. Pinagtibay pa ni Atty. Reynaldo Bayang ng Bureau of Parole and Pardons nu’ng July 22, 2002 na mabait si Go sa kulungan.

Pero nagsisisi na nga ba si Go? Hindi pa niya binabayaran ang utos ng korte na P3.6-milyong indemnity sa pamilya Maguan. Ni hindi man lang siya humihingi ng patawad. At kung mabait na siya, bakit napaulat sa Philippine Star nu’ng July 20, 2003 na nahulihan siya sa bilibid ng bawal na cell phone at P400,000 cash. Nakipagsuntukan pa nga si Go sa isang sikat ng preso nu’ng 2005, kaya lang bumulagta’t natalo, pero kabaitan ba ’yun?

vuukle comment

BUREAU OF PAROLE AND PARDONS

ELDON

ELDON MAGUAN

LA SALLE UNIVERSITY

PERO

PHILIPPINE STAR

REYNALDO BAYANG

ROLITO GO

SAN JUAN

WILSON ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with