^

PSN Opinyon

‘Bote at batok...’

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
Kaya nga ang tawag ay away bata sa dahilang mababaw lamang ang pinag-ugatan nito. Mga batang matapos mag-away, kadalasan at ‘di kalaunan ay magkakaayos din.

Walang puwang at hindi dapat makisali ang matatanda sa away ng mga bata. Makokomplika lamang ang mga bagay-bagay at mas grabe ang kahahantungan.

Ganito ang mga kasong inilapit sa aming tanggapan ni Thelma Gan ng Parang, Marikina hinggil sa kasong isinampa nito laban sa suspek.

Ika-16 ng Mayo 2006 bandang alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente. Nakaaway ng pamangkin ng biktimang si Fortunato Gan alyas Ondong ang pamangkin ng suspek na si Ariel Sumampong. Nagsumbong umano ito sa kanyang ama dahilan upang patulan naman ng suspek ang kaaway ng anak.

Nang makita ni Ariel ang bata bigla na lamang umano itong sinampal at tinadyakan nito. Samantala nagsumbong naman ang bata sa kanyang mga tiyahin, sina Diday at Vi.

Pinuntahan naman umano nina Diday at Vi ang suspek upang tanungin kung bakit nito sinaktan ang bata. Subalit bigla nang lapitan ng mga ito ang suspek ay naroroon na rin si Fortunato.

Naka-istambay naman noon ang ilang kabataan sa tapat ng isang tindahan, hinarap ng suspek na si Ariel ang mga ito.

Lasing na lasing at nanlilisik umano ang mga ito at sinabihan ang mga nakaistambay na magsialis ang mga ito sa nasabing tindahan. Dahil sa takot ng mga ito.

"Nang dumating si Ondong bigla na lamang bumunot ng patalim ang suspek at dalawang beses nitong inundayan ng saksak sa bandang kaliwa ng tagiliran nito," kuwento ni Thelma.

Matapos ang ginawang krimen ay mabilis namang tumakbo ang suspek habang iniwan nito ang kanyang biniktima. Sa tulong naman ng ilang mga residente sa lugar na ‘yon ay hinabol ng mga ito ang suspek.

"Hindi na siya nakawala dahil pinagtulungan siyang mahuli ng mga kapitbahay namin at nakorner malapit sa isang barberyahan," sabi ni Thelma.

Samantala dinala naman ng mga kaanak ang biktima sa ospital upang malapatan ito ng karampatang lunas sa tinamo nitong saksak subalit sa kasamaang palad ay binawian na rin ito ng buhay.

Hindi naman nagtagal ay may mga pulis na rumesponde at inaresto si Ariel. Dinala ito sa himpilan ng pulisya at ikinulong. Agad naman nagsampa ng kasong Homicide ang pamilya ni Fortunato laban sa suspek.

Nakalaya naman ang suspek matapos itong makapagpiyansa at pagkatapos ay hindi na nagpakitang muli ito sa kanilang lugar.

"Ininquest siya at agad naisampa sa korte ang kaso. Subalit dahil sa homicide ang kasong isinampa laban sa kanya ay nagkaroon siya ng pagkakataong makalaya sa pamamagitan ng pagpiyansa nito," pahayag ni Thelma.

Inilapit sa amin ni Thelma ang kasong ito para sa agarang paghuli sa suspek na si Ariel na ngayon ay nagtatago na. Umaasa ang pamilya Gan na mahuhuli ito upang harapin ang krimeng ginawa nito.

Para sa lahat ng biktima ng karahasan, krimen at mga legal problems, maaari kayong tumawag sa 6387285 o ’di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

Ugaliing makinig sa aming programang "HUSTISYA PARA SA LAHAT" kasama si Department of Justice Secretary Raul Gonzalez at ang inyong lingkod Lunes hanggang Biyernes mula alas-3 hanggang alas-4 ng hapon sa DWIZ am band.

Sa puntong ito nais kong iparating ang aking pakikiramay, gayun na din ng aking staff sa "CALVENTO FILES" at "Hustisya Para sa Lahat sa pagpanaw ng ina ng isang kaibigan.

Si Mrs. Josephine Demetriou, ina ng dating pinuno ng Sandiganbayan at Comelec na si Harriet Demetriou.

Ang labi ni Mrs. Demetriou ay ibinurol sa Mt. Carmel Church sa New Manila at nung Sabado ay inilipad sa Bicol kung saan lumaki at dun talaga ang bayan nila.

Ang libing ng ina ni Harriet ay gaganapin sa Sept. 9 at ating i-aanunsyo ang iba pang mga detalye tungkol sa bagay na ito.

Si Harriet ay isang matapang, matapat at walang kinakatakutan na kaibigan kung katotohanan ang pinag-uusapan at ipinaglalaban.

Matatandaan na ilang taon din siyang tumayo bilang abogado ng pamilya ng yumaong primyadong aktres na si Ms Nida Blanca.

PRO BONO o libre ang serbisyong ibinigay ni Harriet at kung minsan ay abonado pa nga ito sa mga lakad at meeting na ginagawa niya upang mailabas lamang ang katotohanan sa likod ng pagpatay kay Nida.

Itong mga nakaraang araw, nakatanggap tayong lahat ng balita na tinatapos ni Ms Kaye Torres ang serbisyo ni Harriet. Sa anong kadahilanan sila lamang ang nakakaalam. Ayaw ng mag komento si Harriet dahil ayaw na rin daw niyang makialam dahil lubhang abala siya sa pangangalaga sa kanyang ina na ilang buwan ding nakipaglaban sa sakit ng Cancer of the Brain na nakaratay sa St. Cardinal Hospital.

Ipagdasal natin ang ina ni Harriet na si Josephine Demetriou for the eternal repose of her soul and ganun na rin sina Harriet at ang kanyang mga kamag-anak sa oras ng kanilang pagdadalamhati.
* * *


E-mail address: [email protected]

ARIEL SUMAMPONG

CANCER OF THE BRAIN

HARRIET

NAMAN

NITO

SUSPEK

THELMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with