^

PSN Opinyon

MIAA dehins kinagat ang story ng suicide bomber daw

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
MUKHANG pakulo at gustong sirain ang kredibilidad ng mga authorities sa airport kaya may mga taong gumagawa ng story telling a lie para sabihing nakalusot sila sa mahigpit na inspection na ipinatutupad ng Manila International Airport Authority sa international at domestic terminals.

Pero ang kuwento ay kinagat ng mga officials sa MIAA kaya nga kahapon ng hapon ay nagsagawa sila ng emergency meeting for security para pag-usapan ang naging lapses ng mga tao nila kung mayroon man.

Maraming employers at maging mga pasahero ang labas-masok sa paliparan kaya sanay na ang ilan sa mga ito dito kung anu-ano ang ipinatutupad na security measures.

Sandamakmak ang nagtaasan ng kilay nang ikuwento ng isang anti-terrorist expert na pumasok siya at dumaan sa x-ray machine sa paliparan na nakasuot siya ng jacket at may dalang bag. Sabi nga, imposible!

Ang lahat kasi ng tao na susukpa sa Manila Airport ay dapat dumaan sa security machine at ang mga bagahe or the handcarried ay dapat namang idaan sa x-ray machine para makapasok patungong airline counter para mag-check-in. Hindi biro ang mga security machine ang dadaanan ng mga tao sa loob ng Paliparan. Ika nga, sangkaterba ito! Ang angal ng mga tao todits sa palipa-ran ‘‘hassle’’!

Hindi kinukontra ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang anti-terrorist agent na nagkuwento sa mga kahinaan ng mga security sa pag-detect sa kanya nang pumasok ito sa paliparan at makasakay ng aircraft papuntang Davao from Manila.

Sa kuwentong nabanggit ay nagising ang MIAA management at maging mga security group sa paliparan para pag-ibayuhin pa nila ang kanilang ginagawang security measures.

‘‘Sana maging aral ito sa mga security group sa paliparan sa buong kapuluan,’’ anang kuwagong bulag.

‘‘Huwag maging paka-ang-kaang,’’ naiinis na sabi ng kuwagong maninisip ng tahong.

"Kaya nga sa nangyari kayod marino ang mga taga-security ngayon sa paliparan,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Dapat lang kamote para walang disgrasya.’’

CRAME

DAPAT

DAVAO

HUWAG

IKA

MANILA AIRPORT

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

PALIPARAN

SECURITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with