Ninakaw na kinabukasan
August 29, 2006 | 12:00am
LIMANG taon pa lang si Felisa o Piling nang mamatay ang kanyang ama na isang mekaniko sa isang kompanya sa Maynila. Napilitang mamasukan ang kanyang ina bilang tindera sa isang tindahan sa Blumentritt upang may itustos kay Felisa at kapatid na si Eduardo na dalawang taon lamang nang pumanaw ang ama dahil sa sakit.
Bagamat naulila sa Ama ay naigapang ng kanyang Ina ang dalawang magkapatid hanggang sa nakaabot sila sa malapit na high school kung saan sila nakatira. Libre pa ho ang libro sa paaralan noon at meron pa silang mga nutribun na binibigay tuwing umaga na nagsisilbing almusal para sa mga estudyante.
Pinagkasya nila ang maliit na suweldo ng ina at naging masaya ang buhay nila at tuloy na nakapag-aral ang dalawang magkapatid hanggang sa muli silang inabot ng kamalasan. Naaksidente ang kanilang ina na naging sanhi ng pagputol ng kanyang magkabilang paa habambuhay.
Nangyari ito ng nasa fourth year high school na si Felisa at first year ang kanyang nakababatang kapatid. Ang konting naipon nila, pati na ang super liit na saving na iniwan ng kanilang ama ay nauwi sa pagbabayad sa ospital. Hit and run ang nangyari sa kanyang ina.
Napilitang tumigil si Felisa sa pag-aaral upang magtrabaho sa isang kamag-anak na may maliit na tindahan malapit sa university belt na nagsisilbing mapait na alaala na hanggang high school lamang siya, bagamat nais niyang maging professional.
Masakit pero nagbigay ito ng lakas ng loob kay Felisa na magsikap upang mapag-aral ang kapatid at matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Never siyang nagreklamo sa kahirapan hanggang sa alukin siya maging bodegera sa pabrika ng isang kaeskuwela sa high school na nakapag-asawa ng mayaman.
Naging matapat siya sa kanyang trabaho, kahit may sakit ay hindi nag-aabsent at pinagkatiwalaan nang husto. Naitaguyod niya ang kapatid at napagtapos ito ng engineer.
Umangat ang pamumuhay nila lalo na ng nakapag-Saudi si Eduardo samantalang si Felisa naman ay ikinasal sa isang kasamahan sa trabaho. Mabait at ubod din ng tiyaga at sipag ang napangasawa niya.
Pero mukhang sadyang malayo sa kanila ang suwerte, hindi nagtagal ang kanilang kaligayahan dahil si Eduardo sa kanyang pag-uwi at bakasyon sa atin ay pinaslang ng mga drug addict na naglipana sa may San Lazaro. Ang habol lang sa kanya, isang cell phone na binili niya upang iregalo kay Felisa.
Kakalungkot pero medyo napawi ito ng mabiyayaan sina Felisa at Edgardo ng isang anak na lalaking pinangalanan nilang Eduardo III. Kasunod ng ama at kapatid na pawang sumakabilang buhay na.
Bagamat hindi sila mayaman sa material na bagay, masaya sila kasama ng kanilang ina na kahit na baldado ay pilit pa ring tumutulong sa mga ordinayong gawaing bahay.
Napawi ng panahon ang lungkot nila sa pagkawala ni Junior lalo na at lumaking malusog ang kanilang anak na pumasok sa public school na pinag-aralan ni Felisa noon.
Patuloy ang pagsisikap ng mag-asawa na bagamat hirap pagkasyahin ang suweldo dahil sa patuloy na pagtaas ng bilihin. Hanggang sa muli silang nakatanggap ng masamang balita.
Binigyan sila ng separation ng kompanyang kanilang pinapasukan dahil magsasara na ito. Hindi na makayanan ang patuloy na pagkalugi dahil sa pagbagsak ng sales dulot ng pagbaha ng mga imported at smuggled na bilihin.
Jobless bigla ang dalawa pero hawak ang separation pay at konting naipon ay naisipang magtinda. Umupa ng puwesto sa palengke at kumita pa ng konti hanggang sa dalawin sila ni Sir na taga city hall at ni SPO na taga-MPD.
Lahat ng kaso, mula sa hindi sapat ang binabayad na buwis at mga permit sa city hall hanggang sa tuwirang kailangan daw ng pambili ng litson ni boss at ni hepe (sino kayang boss at hepe ito) hanggang sa pangkain ng tropa at pa blow out ng mga "magagaling" na opisyal.
Walang magawa ang mag-asawa, panay ang bigay sa takot na hulihin sila kahit walang kasalanan gaya ng ginawa sa kalapit-puwesto nila. Perang pambili na lang ng libro na dati-rati ay libre sa public school ni Ed maibibigay pa sa mga walang puso at kaluluwa.
Huling makausap ko si Felisa, sasarhan na nila ang puwesto at hindi na raw kakayanin. Lilipat na siya sa pagtitinda sa bangketa at sisikapin ni Ed na maghanap ng ibang trabaho.
Ang anak naman, patuloy na nakikihati sa limang iba pang kaeskwela sa iisang libro at kasama ng 70 iba pa na nakikinig sa iisang titser. Ang titser ay kailangang magtinda rin ng sandwich at juice upang ipanustos sa sariling pamilya.
"Hindi kami tamad, nagsikap kami at hinangad ang magandang kinabukasan para sa anak pero minalas na BINUWISIT pa ng mga sUwapang na buwaya sa gobyerno," pagdidiin ni Felisa.
Ilan ang katulad niya sa atin, konting ginhawa at pag-asa ay sisimutin ng mga magnanakaw, sinungaling at mandarambong. Mga taong gobyerno na hindi masuheto dahil naniniwala sa kasabihang "FOLLOW THE LEADER."
Kakaawa Pilipino, hindi lang pinagnanakawan, niloloko at inaalipusta, inalisan pa ng KINABUKASAN.
Para sa anumang reaksyon o kumento, mag-e-mail sa [email protected] o magtext sa 09272654341.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest