Tulad na lamang ng kasong inilapit ng isang ina matapos manganak sa isang pribadong ospital.
Bago pa man ipanganak, mismong ina ang nagbenta ng kanyang anak bilang pagpapa-ampon sa isang kaki-lala lamang ng kaibigan. Ito ay dahil sa mahigpit na pangangailangan lamang ng malaking halaga upang makaalis ng bansa.
Ngunit, matapos manganak at malaman na wala na ang anak at nasa poder na ng taong bumili, saka lamang natauhan at nais na maibalik muli ang kanyang anak.
Subalit, nang puntahan ang ospital na pinag-anakan, walang nakuhang records na nagpapatunay na siya ay nanganak dito. Ibang pangalan at hindi sa kanya ang naka-rehistro sa pribadong ospital na ito.
Maliban dito, napag-alaman ng ina na ang tanging nakipag-usap sa may hawak ng records ay ang mismong taong bumili ng kanyang anak.
Malinaw ang kapalpakan ng mga tauhan ng pribadong ospital na ito.
Maaaring nakipagsabwatan ang tauhan ng ospital sa kampo ng bumili ng batang ipinanganak.
Ayon kay DSWD Undersecretary for Policy and Programs Alicia Bala, hindi kailanman kikilalanin ang pag-ampon sa isang bata na hindi dumaan sa tama at legal na proseso. Bukod dito, sa ilalim ng batas, may pananagutan ang nagbenta at bumili ng bata.
Sa mga taong nagpapa-ampon ng kahit sinong bata, may tamang prosesong sinusunod upang maging legal at lehitimo ang bata sa ilalim ng taong aampon.
Babala ng BITAG sa mga taong nagbabalak magbenta ng bata, may batas na sumasaklaw, RA 7610 na kilala sa Special Law on the Protection of Children Against Exploitation, Abuse and Discrimination.
Para sa mga ospi-tal na tumatangkilik ng sistemang pagbeben-ta ng mga bata, may pananagutan kayo sa ilalim ng batas at sa mga taong maiitim ang budhi isang kri-men ang bumili at magbenta ng mga bata at sanggol.