^

PSN Opinyon

Ulitin ang nursing board exam

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
NALAGAY na naman sa kahihiyan ang mga Pilipino nang magkaroon ng dayaan sa nursing board examination na ibinigay noong June 11 and 12, 2006.

Nabuking ang leakage nang may mga nag-report na examinee na nakita nilang may mga kumalat na mga test answers. Inimbestigahan kaagad ang nasabing dayaan subalit wala pang pormal na resulta. Wala pa ring resolusyon kung ano ang mga hakbang na gagawin.

Ang nakapagtataka ay nagdesisyon kaagad ang PRC na mag-oathtaking ang mga nakapasa kahit na wala pang pormal na kinalabasan ang imbestigasyon. Bakit naman pinayagan ito ng Malacañang? Malabo pa sa putik e pinanumpa na agad. Kaya ang resulta, kinukuwestiyon na ang kredibilidad ng mga nag-oathtaking. Ayaw silang paniwalaang nakatapos at lisensiyadong nurses.

Isang apektado ng scam na ito ay ang mga nurses na may interes na makakuha ng lisensiya sa US. Naki-kita kong bokya na naman ang Pilipinas dahil sa daya-ang ito na ang kasangkot pa naman ay miyembro ng nursing board exam.

Para sa akin, mas makabubuti kung ulitin na lamang ang nursing board exam. Sa pamamagitan nito maaaring maibalik ang nawalang kredibilidad ng Pinoy nurses.

AYAW

BAKIT

INIMBESTIGAHAN

ISANG

KAYA

MALABO

MALACA

NABUKING

NAKI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with