^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Krimen sa Metro Manila ay pataas nang pataas!

-
KAPAG Agosto raw ay taghirap at sagad ang pamumuhay ng mga tao. Marami ang kinakapos sa buwang ito kagaya ng kakapusan sa pera. At kapag kapos ang pamumuhay, diyan din umuusbong ang maraming krimen. Marami ang nagnanakaw, nanghoholdap, nang-iisnatch, nandudukot at kung anu-ano pang modus operande para makakamal ng pera kung Agosto.

Pero ang ganitong paniniwala kung Agosto ay hindi totoo. Lahat ng buwan ay laging on the go ang mga masasamang-loob para makapambiktima. Wala silang pinipiling buwan. Ang totoo’y nagkakaroon lamang ng pagkonti sa mga nangyayaring krimen kung Huwebes Santo o Biyernes Santo at kapag may boksing na isang Pinoy ang makiki- paglaban kagaya ni Pacquiao.

Maraming nagaganap na krimen sa Metro Manila at ito ang dahilan kung bakit maraming residente ang nahihintakutan kung lumalabas sila sa gabi. Kung sa araw ay walang takot ang mga masasamang loob, mas lalo pa sa gabi na malaya silang nakagagalaw dahil walang mga pulis na nagbabantay.

Laganap ang holdapan at iba’t ibang uri ng pagnanakaw. Pati mga internet cafe at computer rentals shop ay hindi na pinatatawad ngayon ng mga holdaper. Isang patunay ay ang ginawang panghoholdap sa isang computer rentals shop sa Marikina ng apat na armadong lalaki. Tinutukan ng baril ang mga nagko-computer at nilimas ang kanilang pera, alahas, cell phone at ganoon din ang pera sa kaha ng shop. Mabuti na lang at may CCTV camera ang shop at nakunan ang mga holdaper. Tiklo kinabukasan ang mga holdaper.

Mas malala ang holdapan sa pampasaherong jeepney, bus, taxi at FX. At may mga holdaper na hindi lamang panghoholdap ang trabaho kundi para pumatay na rin. Kapag pumalag ang mga hinoholdap at binabaril at sinasaksak.

Hindi totoo na mababa ang crime rate sa Metro Manila gaya ng sinasabi ng Philippine National Police (PNP). Sa panahon ni dating PNP chief Director Arturo Lomibao at NCRPO chief Vidal Querol, madalas lumabas ang kanilang press release na mababa ang crime rate sa Metro Manila pero habang sinasabi nila ito, naghuhumiyaw naman ang katotohanang maraming krimen na hindi natututukan. Paano matututukan e wala ngang pulis na nagpapatrulya, nagroronda. Magpapatrulya lamang kapag may nangyari nang krimen at magpapasiklab na nagtatrabaho. Ganito rin kaya ang mangyari sa liderato ni Gen. Oscar Calderon at Gen. Reynaldo Varilla. Sana naman ay hindi. Kailangang lupigin ang masasama sa Metro Manila para mga residente ay hindi mahintakutan.

AGOSTO

BIYERNES SANTO

DIRECTOR ARTURO LOMIBAO

HUWEBES SANTO

KUNG

MARAMI

METRO MANILA

OSCAR CALDERON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with