Para sa kaalaman mo Rodante at sa iba pang nagtatanong tungkol sa arthritis, ito ay may dalawang uri: ang osteoarthritis at ang rheumatoid.
Ang osteoarthritis ay pinaniniwalaang degenerative disease na na-develop dahil sa pagkapunit ng cartilage sa kasu-kasuan. Ang cartilage o "gristle" ang nagpo-provide ng malambot na surface sa mga buto para mag-slide at maayos ang paggalaw. Kapag ang cartilage ay napunit o na-damaged, mag-kikiskis ang mga buto at mararamdaman ang grabeng sakit at paninigas lalo na kung malamig ang panahon.
Sa mga may osteoarthritis, nararapat magbawas ng pagkaing mayaman sa mantika, mga processed foods, matatamis at maalat. Dagdagan ang pagkain ng sariwang gulay at prutas.
Lahat ay maaaring magkaroon ng rheumatoid arthritis. Karaniwang namamaga sa mga may rheumatoid arthritis ang mga kasu-kasuan ng daliri sa kamay at mga paa. Karaniwang nagkakaroon nito ay mga taong may edad 25 at 55.
Makatutulong nang malaki ang regular exercise sa mga may arthritis.