Nanalo sila sa regional trial court pero inapila ng administrasyon ang kaso sa Court of Appeals kung saan muli silang nagwagi pero kesa sundin na lang ito ng administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria ay inakyat ito sa Korte Suprema.
Ngayon namang nasa Korte Suprema na ay hindi man lang hintayin ang kaso at parang mga asong tinaboy ang mga retiradong mga opisyal na apparently wala nang silbi sa administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria.
Kasama sa mga tinaboy na parang mga aso si dating AFP Chief of Staff Gen. Benjie Defensor na naging Commanding General din ng Philippine Air Force at nakababatang kapatid ni Senadora Mirriam Defensor Santiago.
Personal ko hong kilala yang si Benjie na alam kong professional na officer at bagamat dapat ay makihalo sa pulitika dahil sa kanyang kapatid ay nanatiling apolitical.
Imposible rin itong pinalalabas ni Lt. Gen. Romeo Tolentino ng Philippine Army na binastos sila nito dahil wala ho sa karakter ni Benjie ang mambastos lalo na ng kapwa sundalo at lalong wala sa karakter niya ang pagpilitan ang sarili dahil hindi siya magiging si Gen. Defensor kung hindi siya proud. Bagamat matagal ko nang hindi nakikita si Benjie, sure ako he is the same proud person who values his pride and honor.
Gaya ni Benjie ay tinukoy din sa isang ayaw daw umalis si kasalukuyang Department of Interior and Local Government Undersecretary and retired Major Gen. Melchor Rosales.
Si Mel ho na nanggaling din sa Philippine Air Force ay Baron ng klase niya nang magtapos sa Philippine Military Academy. Kilala ko siya at maging ng mga beteranong media men na nag-cover the Defense at Air Force na "one of the boys."
Kilala siya bilang isang honorableng opisyal na hindi babaluktutin ang isang bagay o gagawa ng isang bagay na sisira sa kanyang pangalan.
Ngayon, sinasabi nina Tolentino na ayaw daw niya umalis sa kanyang tahanan at pinagdududahan pa kung totoo raw na nasunog ang kanyang tahanan noong 1992. Malabo namang masyado ito, dahil ultimo ako na nagkokober sa airport at air force noong panahong yun ay alam na nasunugan si Mel at natupok lahat pati personal niyang gamit.
Alam ko na marami nga ang tumulong kay Mel pero kulang ito kaya napilitan siyang ubusin ang sarili niyang saving at sa misis niya at nangutang pa upang ipatayo muli ang kanilang bahay.
Kung si Gen. Defensor ay kakilala ko, si Mel ay masasabi kong malapit na kaibigan bagamat matagal ko na siyang hindi nakita o nakausap. Huli ko siyang nakausap ay noong kaarawan ni kasamang Roy Sinfuego ng Manila Bulletin. Saglit lang ang aming pag-uusap.
Garantisadong hindi siya magsisinungaling kung tungkol lang sa tahanan niyang yan lalo na sa sunog na nangyari. Alam ko ang natupok niyang bahay. Wala sa ugali ni Mel na magsinungaling o magpalusot lalo na kung apektado ang kanyang pangalan, maybahay at pamilya.
Katotohanan ay nagtaka nga ako nung ma-appoint si Mel na DILG undersecretary pero natuwa ako dahil kahit paano ay meron ding matino sa administrasyong ito. Lagi ngang nasa isip ko kung hanggang kailan sila tatagal.
Bukod sa hindi pa lumalabas ang desisyon ng Korte Suprema ay inagaw na agad nina Tolentino ang tahanan ng mga retiradong mga opisyal na umaabot sa mahigit 100. Halata tuloy na alam nilang talo sila muli kaya puwersahan nilang pinalayas ang mga dati nilang mga opisyal.
Ang Palasyo naman ng Malacañang, ang Department of National Defense at ang Armed Forces of the Philippines ay buo ang support kina Tolentino at ni minsan ay hindi dininig ang pakiusap ng mga retired at apparently useless ng mga opisyal.
Sabagay, hindi na nakapagtataka, kung mga aktibong heneral pa ang mga yan na maaaring mag-withdraw ng support (kasama si Benjie Defensor sa gumawa nito nung panahon ni dating Pangulong Erap at malamang pinagsisisihan niya na ito) gagawin kaya ito sa kanila.
Kung may say pa sila sa mga sundalo o pulis na maaaring umalma laban kay Madam Senyora Donya Gloria puwede kaya silang pagtabuyan.
Kaso wala na kayong mga silbi, pinakinabangan na kayo at nakuha na ng Malacañang ang nais kaya sorry na lang kayo.
Gen. Esperon, Gen. Tolentino, Gen. Mayuga at iba pang mga heneral tandaan nyo good lang kayo habang kailangan kayo, pag useless na kayo, wala na kayong silbi sa kanila, alsa balutan na kayo at palalayasin na rin kayo.
Kawawa naman ang Pilipinas, super hirap na dahil ang mga nanunungkulan ay puro mga super kurakot, super sinungaling, super plastic at super pa kung magpahirap ng mamamayan. Super dikit kasi ke Super Glue. Mga buwitre 09064315560;
Hanga ako sa katapangan mo, sana marami ng tao katulad mo para matigil na ang mga walang hiya, makapal ang mukha na mga mangungurakot sa kaban ng bayan 09186866669.