^

PSN Opinyon

Aquino, Aragoncillo may kasalanan sa mga Pinoy

SAPOL - Jarius Bondoc -
MAYO pa nang umamin sa krimen si Fil-Am Leandro Aragoncillo: Illegal transmittal of defense information, conspiracy to transmit defense information, unlawful retention of defense information at unlawful use of government computers. Ngayon naman, ang kasapakat na Pilipinong Michael Ray Aquino ang umako na illegal possession of US state secrets. Maaring habulin pa ng America ang tatlong sinasabing kasabwat nila sa Pili-pinas: Joseph Estrada, Ping Lacson, at Noli Fuentebella. Pero tinuturing na lutas na ang kasong pagnakaw ng 101 classified documents sa White House at FBI. Ang hindi nga lang maisara-sara ay ang usaping kung mapagkakatiwalaan pa ang mga Fil-Am sa mga maseselang posisyon at misyon.

Hindi tamang husgahan lahat ng kalahi batay lang sa kilos nina Aquino at Aragoncillo. Hindi lahat ng Pinoy na nagti-TNT sa America ay dating pulis na tulad ni Aquino na umiiwas sa kasong double murder at kidnapping sa Manila. Hindi lahat ng Fil-Am ay aabusuhin ang pagka-intelligence analyst at dating US Marine na tulad ni Aragoncillo para pagkakuwartahan ang pagpasa ng sekreto sa mga politiko sa Maynila. Pero kabaligtaran ang mangyayari: May mga Amerikano – lalo na mga puti na di-maitatatwang naghahari – na lalahatin ang mga Pinoy at ihahalintulad sa dalawang aminadong magnanakaw ng papeles. At ang masaklap na kauuwian nito ay diskriminsayon sa Pinoy.

Nu’ng World War II, hindi lang basta iniwasan ng Amerikang magtalaga ng Hapones sa pagpaplanong militar, kundi ipinakulong pa nga ang mga Japanese-Americans. Ngayong may giyera sa Iraq at Afghanistan, hindi lang basta ini-screen ang mga mukhang Arabo at Central Asian sa matataas na opisina, kundi pinag-iinitan sa airports, iskuwela, at trabaho.

Totoo ang racial stereotyping at discrimination sa America. Sinikap ng mga kayumanggi na labanan ito at umangat sa lipunang dominado ng mga puti. Umangat ang ilan sa maseselang puwesto. Pero karamihan ng mga Pinoy, balik ngayon sa kusina dahil kina Aquino at Aragoncillo.

AQUINO

ARAGONCILLO

CENTRAL ASIAN

FIL-AM

FIL-AM LEANDRO ARAGONCILLO

JOSEPH ESTRADA

NOLI FUENTEBELLA

PERO

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with