^

PSN Opinyon

Ano ang vitiligo?

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
"MATERYALES fuertes" ang tawag sa isang babaing negosyante. Hindi siya bumababa ng bahay nang hindi nakaayos. Terno ang kanyang bag, sapatos at salamin sa suot na damit at naka-alahas pa siya.

Kapuna-puna na lagi siyang nakapantalon at kung naka-palda naman ay makapal ang kanyang stockings. Kaya pala makapal ang medyas niya ay may tinatago siya. Meron siyang vitiligo sa mga paa na umaakyat na hanggang sa kanyang binti. Marami na siyang nagastos sa pagpapatingin sa doctor at pagbili ng mga gamot at mga cream na ipinapahid niya sa animo’y mga puting patse-patse sa balat niya. Bunga ng kanyang vitiligo iniwasan niya ang magpaligaw hanggang sa maging matandang dalaga siya.

Ayon sa dermatologist na si Dr. Grace Palacio-Beltran ng St. Lukes Medical Center, hindi nakakahawa ang vitiligo. Ipinaliwanag ni Dr. Beltran na ang vitiligo ay dala ng mga cells na sumisira sa melanocytes na pigment producing cell. Ito ang kaso ng American popular singer na si Michael Jackson na tinubuan ng vitiligo sa mukha at leeg. Maging ang yumaong award-winning director na si Lino Brocka ay may vitiligo naman sa pisngi.

Sinabi ni Dr. Beltran na namamana ang vitiligo. Ang mga sintomas nito ay ang pagkakaroon ng diabetes, tyroid problem, permiscious anemia, connection tissue disease gaya ng lupus. Ang vitiligo ay auto immune at hindi ito nagagamot pero hindi nakahahawa.

AYON

BUNGA

DR. BELTRAN

DR. GRACE PALACIO-BELTRAN

IPINALIWANAG

LINO BROCKA

MICHAEL JACKSON

ST. LUKES MEDICAL CENTER

VITILIGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with