^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Nabawasan ang nagugutom pero marami ang naghihirap

-
KAKATWA ang survey ng Social Weather Stations (SWS) noong June 22 hanggang 28. Nabawasan na raw ang mga Pilipinong pamilya na nakararanas ng gutom subalit marami namang Pinoy ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap.

Marami raw nabawas na pamilyang nagugutom sa Mindanao, 17.3 percent na lang kumpara noong March na 21 percent. Bumaba na rin ang mga nagugutom na pamilya sa Metro Manila kung saan naging 15 percent na lamang mula sa dating 18.3. Sa ibang bahagi ng Luzon ay bumaba na rin ang mga nagugutom, naging 10 percent na lang mula sa dating 14.7 percent. Ganoon man, tumaas nang bahagya ang mga nagugutom sa Visayas kung saan naging 17.7 percent mula sa dating 16 percent.

Ayon sa survey, nabawasan ang porsiyento ng mga nagugutom sa Mindano dahil sa mga isinagawang improvements sa rehiyon. Kung ano ang mga improvements ay hindi naman sinabi sa survey.

Pero nabawasan naman ang mga nakararanas ng gutom sa bansa, marami rin naman ang itinuturing na sila ay mahirap. Mahirap ang kanilang buhay sapagkat ang hindi makasapat ang kanilang kinikita. Ang mga kumikita ng P10,000 isang buwan dito sa Metro Manila ay itinuturing itong maliit at kailangang kumita sila ng P15,000 para matakasan ang kahirapan. Sa ibang bahagi ng Luzon ay kailangang kumita sila ng P5,000 samantalang sa Mindanao ay P6,000. Sa Visayas naman ay bumaba. Mula sa kitang P7,000 ay naging P6,000.

Nabawasan na ang nagugutom pero marami pa rin ang naghihirap. Ang nararapat ngayong pagtuunan ng pansin ng gobyerno ay kung paano mapapagaan ang buhay ng mga mahihirap. Karampot ang suweldo pero mataas naman ang bilihin. Nagtaas ng expanded-value added tax (EVAT) at nasagasaan ang mahihirap. Hindi raw bubuwisan ang sardinas at noodles pero lumalabas ngayon na mataas din. Walang patlang ang pagtaas ng gasolina, diesel at LPG at pati pamasahe napipintong magtaas. Gagawa raw ng paraan ang gobyerno para hindi mahirapan ang pasanin ng mahihirap pero hanggang ngayon, mabigat pa rin ang nakaatang sa kanilang balikat. Patuloy ang paghihigpit ng sinturon at hindi na malaman kung saan susuling dahil karampot ang kita.

Mas maganda sana kung mababawasan ang nagugutom at ganoon din ang naghihirap.

AYON

LUZON

METRO MANILA

MINDANAO

NABAWASAN

NAGUGUTOM

SA VISAYAS

SOCIAL WEATHER STATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with