Hepatitis A at B
July 19, 2006 | 12:00am
ANG hepatitis ay sakit na apektado ang atay. Virus ang dahilan ng sakit na ito. May dalawang uri ng hepatitis ang Hepa A at Hepa B.
Ang Hepa A ay kadalasang nakukuha sa maruruming pagkain at tubig, sobrang pag-inom ng alak, sobrang stress at ganoon din naman ang pagkain ng fatty foods o mamantika.
Ayon sa report, karamihan ng mga naapektuhan ng Hepa A ay ang mga kumakain sa mga turu-turo at karinderya sa mga bangketa na hindi malinis ang nilulutong ulam. Isa ring pinaniniwalaang pinanggagalingan ng Hepa A ay ang pag-inom ng mga "sa malamig" kung saan ay marumi ang tubig at hindi ganap na nahuhugasan ang basong ginagamit.
Kumpara sa Hepa A, mas matindi ang tama ng Hepa-B. Ayon sa report, ang isang inang may Hepa-B at nagpapasuso sa kanyang baby ay maaari niyang hawahan ng sakit. Nakukuha rin ang Hepa B sa pagsasalin ng dugo (blood transfusion). Ang karayom na ginamit bilang pangturok ay hindi na maaaring gamitin sapagkat ito ay maaaring mayroon nang virus. Dapat ma-sterilized ang mga gagamiting karayom.
Ang malinis na kapaligiran ay napakahalaga para maiwasan ang hepatitis. Mahalaga rin ang proper body hygiene. Ugaliin ang paliligo, pagsisipilyo at paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain at pagkatapos mag-CR. Panatilihing malakas ang resistensya. Kapag humina ang immune system, madaling kapitan ng sakit kagaya ng hepatitis.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended