Mga taga-DepEd mismo ang sumisira sa DepEd
July 18, 2006 | 12:00am
LUMALABAS na ang problema sa Department of Education (DepEd) ay mismong mga empleado rito na naglilider-lideran. Mas gusto pa ng mga naglilider-liderang ito na sila ang masunod kung sino ang magpapatakbo sa DepEd.
Pinagmumuni-muni ko ang mga nangyari noon sa DepEd. Natatandaan kong pati ang matinik at walang kabahid-bahid na public servant na si dating senador Raul Roco ay nasira sa kagawarang ito. Si Roco ay dating secretary ng DepEd. Ang magandang imahen ni Roco ginutay-gutay sa DepEd.
Isa pang magaling at may magandang pangalan ay si dating Batanes Rep. Florencio Abad. Hindi nagtagal si Abad sapagkat nag-resign kasabay ng iba pang Cabinet members na tinawag na "Hyatt 10".
At ngayon, may bago na namang inappoint si President Arroyo bilang secretary sa DepEd. Siya si Tarlac Rep. Jesli Lapus. Subalit katatapos lamang na ipahayag ng Malacañang ang appointment ni Lapus, nagprotesta na kaagad ang mga empleado ng DepEd kasama ang mga personnel ng office of the secretary mismo. Ano ba ang nangyayaring ito? Talaga bang bastusan na?
Hindi lamang si Lapus ang binato ng putik sa mukha kundi pati na rin si President Arroyo. Kailangang harapin na ng Presidente ang mga kontrabida at "terorista" sa DepEd. Hindi siya dapat matakot sa mga sumisira sa pundasyon ng edukasyon. Ako ay saksi sa unti-unting pagbagsak ng quality ng edukasyon sa Pilipinas. Lubhang malayo ang edukasyon noon kaysa ngayon. Panahon na para maibalik ang dating husay ng education system.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended