^

PSN Opinyon

‘Kaplastikan ng grupong Gabriela sa kasong gang rape sa Hermosa Bataan’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
Patuloy na tinutukan ng BITAG sa kasong panghahalay ng grupo ng kalalakihan o gang rape sa isang dalagitang si "Baby", na nagdala sa Barangay A. Rivera sa Hermosa, Bataan sa gitna ng kontrobersya.

Sinundan din ito ng mga kasamahan namin sa media at maging sa mga malalaking news network.

Malaking tulong ang nagawa ng Volunteer’s Against Crime and Corruption o VACC sa pamumuno ni Chairman Dante Jimenez na agaran naman niyang inaksyunan.

Agad nabigyan ang biktimang si "Baby" ng abogado sa katauhan ni Atty. Pete Prinsipe, na siyang responsible sa pagbitay kay Leo Echegaray.

Kabaliktaran ito sa naging aksyon ng grupong kababaihang Gabriela nang inilapit namin ang kasong ito.

Sa unang paghaharap namin sa Gabriela kasama ang biktimang si "Baby" at kanyang ina, nangako sila na tutulong at susuportahan nila ang biktima.

Pero sa mga sumunod na araw upang kumpirmahin ang tulong ng Gabriela sa biktimang si "Baby", hindi na sila mahagilap.

Pawang kaplastikahan ang nasaksihan namin nung araw na pumorma sila sa harap ng aming camera.

Mas malaki kasi ang saklaw ng media na nakukuha ng Gabriela sa kasong panghahalay kay "Nicole" ng mga Amerikanong sundalo sa Subic kaysa sa pobreng si "Baby" na isang mahirap lang, at ang mga nanghalay, mga Pinoy at hindi mga kano.

Hindi namin nakitaan ng interes ang Gabriela sa kaso ni "Baby", kaya’t hindi kami nagkamali na sa VACC na lamang ilapit ang kasong ito.

Hindi marunong pumili ng kulay ang BITAG, puti man ito o kayumanggi partikular sa kasong panggagahasa. Ang mailantad ang katotohanan at maparusahan ang mga sangkot sa ganitong uring krimen ang pangunahing layunin ng BITAG.

AGAINST CRIME AND CORRUPTION

AMERIKANONG

BABY

BARANGAY A

CHAIRMAN DANTE JIMENEZ

GABRIELA

LEO ECHEGARAY

PETE PRINSIPE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with