^

PSN Opinyon

Ang totoong hustisya

AMBA’S BRIEFS - Roy Señeres -
ANG totoong hustisya sa ating bansa ay makakamit lamang natin kung ang pagpapatupad ng batas ay pantay-pantay para sa lahat, at kung maiiwasan na natin ang pagbibigay ng proteksyon o special treatment para sa mga taong "untouchables". Ito ang naging usap-usapan ng mga tao nang pumasok sa kanilang isipan ang tanong na kung bakit ang mga sundalong nagsagawa ng "withdrawal of support" noon ay hindi hinuli, at nabigyan pa nga ng mga matataas na puwesto, samantalang ang mga sundalong nagbabalak pa lamang na mag-withdraw ng kanilang support sa gobyerno sa mga panahong ito ay itinuturing nang mga criminal at taksil sa pamahalaan.

Dahil sa naging controversy na ito, may mga senador at kongresista na nagbabalak magpasa ng bagong batas na kung saan gagawin nang bawal ang "withdrawal of support". Kung pumasa man ang batas na ito, sa paningin ko hindi ito maaring gawing "retroactive", kaya maging batas man ito o hindi, hindi maaaring maging applicable ito sa mga nagpaplano pa lamang mag-withdraw ng kanilang support o ’di kaya sa mga nagsagawa na nito noon. Kung ito man ay gagawing "retroactive", hanggang saan at sino ang dapat balikan at singilin sa mga nakalipas? Si dating Pangulong Fidel Ramos kaya? Si Secretary Angelo Reyes kaya o si Senador Ping Lacson? Hindi ba’t lalabas na hindi pantay ang hustisya kung ang paparusahan lamang ay ang mga nag-withdraw ngayon, at hindi ang mga nag-withdraw noon?

Dahil nasimulan na ni Mrs. Gloria Macapagal Arroyo ang pag-sorry na lamang sa kanyang "lapse of judgment", hindi kaya puwedeng mag-sorry na lamang ang mga sundalong nag-withdraw daw, at sila ay mag-"move on" na lamang sa kanilang mga career? Hindi ba’t may mga sundalo na ring nagkasala noon at ang sinabi lamang sa kanila ay "carry on"? Ano naman kaya ang maging parusa sa mga civilian na hindi naman nag-withdraw at parang cheering squad lang sila?
* * *
Tune in to "USAPANG OFW" on DZRH AM radio every Sunday from 10 to 11 AM. E-mail [email protected], text 09187903513, visit my website www.royseneres.com, or call 5267522 or 5267515 or visit Our Father’s Coffee.

DAHIL

KUNG

LAMANG

MRS. GLORIA MACAPAGAL ARROYO

OUR FATHER

PANGULONG FIDEL RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with