Bakit may mga lalaking impotent?
July 9, 2006 | 12:00am
At isang tableta ang natuklasan na umanoy epektibo para ganap na "tumayo" si Manoy. Ang natuklasang tableta ay ang Sildenafil Citrate na kilala sa tawag na Viagra. Bumaha ang Viagra sa pamilihan at mabilis na nakilala sa buong mundo. Ang tabletang ito ang nagbigay sa umaandap na kalooban ng mga lalaking inutil o impotent.
Ngayon ay hindi matatawaran ang ibinibigay na sigla ng Viagra sa mga kalalakihang hindi sumasaludo si Manoy.
Ang pagiging bantog ng Viagra dahil sa pagiging mabisa ang naging daan para ang mga tusong negosyante ay makaisip ng paraan para pagkakitaan. Kung may mga pekeng CDs mayroon na rin ngayong mga pekeng Viagra. Kamakalawa lamang isang tindahan ang sinalakay ng mga awtoridad dahil sa pagbebenta ng mga pekeng Viagra. Pinag-iingat ang mga kalalakihan sa pagkalat ng mga pekeng Viagra.
Inaprubahan ng European and American Food and Drug ang Viagra at napatunayang mabisa bukod pa sa hindi banta sa kalusugan. Walang side effects ang Viagra maliban sa contraindication nito sa mga lalaking nagti-take ng nitrates at doon sa mga allergic sa drug. Makararanas din umano ng pananakit ng ulo, pagbabara ng ilong, abnormal vision, diarrhea, urinary tract infection at dyspepsia ang mga kalalakihan.
Ipinaaaala rin sa mga kalalakihan na ang Viagra ay hindi nakaaapekto sa kanilang fertility at hindi rin naman makapagpoprotekta sa kanila laban sa sexually transmitted diseases (STD).
Ang tableta ay nagkakahalaga ng $10 hanggang $12 sa United States. Ipinapayo ng doktor na huwag magtake ng Viagra nang mahigit sa 100 mg. kung balak makipagtalik. Huwag ding magti-take ng Viagra araw-araw.
Ipinapayo rin sa mga kalalakihang may sakit sa puso na magpa-check-up muna sa doktor bago mag-take ng Viagra. Ang sobrang pagkagusto at walang sawang pakikipag- sex dahil sa idinulot ng Viagra ay masama sa may sakit sa puso.
Dapat itong pakatandaan ng mga impotent na may karamdaman sa puso. Hinay-hinay lang sa pakikipagtalik at baka maging dahilan nang maagang pagpanaw.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest